Pahayagang U.G.

February 23, 2010 by admin  
Filed under blogs

dante-weblogRMs (reading materials) ang kolektibong tawag sa mga ito, kasama ang mga aklat at iba pang babasahin. Pero “voluminous subversive documents” naman kung mahuhuli ng militar. “Voluminous” – hindi “several copies of”, hindi “two boxes of” o “three sacks of” – basta “voluminous”. At lahat “subversive”, kahit kasama ang Daily Express na kahit kailan ay di naging subersibo sa gobyernong batas militar.

Di ko alam kung ano ang ginawa ng militar at kung nasaan na ang mga  “voluminous documents” na ito. Bagaman nakita ko minsan na nakadispley sa isang opisina ang mga kopya ng mga aklat ni Amado Guerrero at ni Mao Zedong. Mabuti na lang at may mga koleksyong gaya nang sa UP Main Library na magagamit sa pananaliksik para makonsulta sa mga nangyari noong araw at sa mga sinabi ng kilusan sa mga pahayag nito.

Pinakaaktibo sa pagwasak sa monopolyo ng impormasyon ng diktadura noong panahon ng martial law ang kilusang pambansa-demokratiko, sa paraang legal man o U.G. (underground). Tiniyak nito bago pa magmartial law ang sentrong papel ng propaganda sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa. Bago pa magmartial law, isa nang sentrong gawain ng kilusan ang pagpapaunlad ng iba’t ibang uri at pamamaraan ng pagmumulat sa masa. Sa pagkakataong ito, magpokus tayo sa inilabas nitong mga pahayagang U.G. noong panahon ng batas militar.

1. Ang Bayan – Oktubre 1, 1972 inilabas ang unang isyu ng pahayagang ito ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa ilalim ng batas militar bagaman sinimulan na itong ilathala makaraang muling itatag ang Partido noong 1968. Sinuri nito ang kalagayan sa pagkakadeklara ng batas militar at inihapag ang mga tungkulin sa pakikibaka laban dito. Nanawagan ito sa mga mamamamayan na “Ibagsak ang Diktadurang Estados Unidos-Marcos Upang Makamit ang Pambansang Kalayaan at Demokrasya!” Kinarga nito ang mga pahayag at pagsusuri ng CPP sa mga napapanahong isyu, mga artikulo at balita ukol sa armadong pakikibaka at kilusang antidiktadura, mga artikulo at balita sa iba pang kaganapan sa labas ng bansa. Inilalathala ito sa Inggles at Pilipino. May pagkakataong may edisyong Ilokano ito.

2. Liberation – Oktubre 1972 rin lumabas ang unang isyu nito na nanawagan ng “Resolutely Unite and Struggle against the US-Marcos Dictatorship to Achieve National Freedom and Democracy”. Nakaphotostencil at minimimeo noong una ngunit kagyat na nalathala sa offset press hanggang sa mahuli ang mga naglalathala nito noong 1974. Lumabas muli nang nakamimeo bago muling inilathala na tipo nang magasin noong simula ng dekada 1980. Inilalathala ito ng National Democratic Front (NDF) sa wikang Inggles. Kalaunan, nagkaroon ito ng edisyong internasyonal.

3. Taliba ng Bayan – pahayagan sa wikang Pilipino na una ring lumabas noong Oktubre 1972. Kalaunan, binanggit na pahayagan din ito ng NDF bago angkining pangrehiyong pahayagang pangmasa ng CPP (Manila-Rizal).

4. Balita ng Malayang Pilipinas (BMP) – una ring lumabas noong 1972 at nagsilbing news service na pinaghalawan ng mga balita ng Liberation, Taliba ng Bayan at iba pang pahayagan ng kilusang lihim.

Sa simulang -simula ng paglalathala ng mga pahayagang ito, kagyat na tinarget nitong mambabasa ang mga aktbista at masa sa buong bansa – o kung hanggang saan man ang abot ng kilusan sa arkipelago. Kalaunan, naglathala na rin ng kani-kanilang pahayagan ang mga rehiyong saklaw ng kilusang pambansa-demokratiko.

Ilan sa mga pahayagang ito sa mga rehiyon at probinsya ang mga sumusunod: Dangadang ng Ilokos, Fetad ng Cordillera, Baringkuas ng Lambak ng Cagayan, Himagsik ng Gitnang Luson, Pulang Silangan ng Gitnang Silangang Luson, Kalatas ng Timog Luson, Silyab ng Bikol, Paghimakas ng Negros, Daba-Daba ng Panay, Pakigbisog ng Cebu, Larab ng Samar, Banawag ng Hilagang Samar, Asdang ng Habagatang Mindanaw, at Sulong Masa ng Gitnang Mindanaw.

Ang pagkakalathala ng mga pahayagang ito, sa isang banda, ay bunga ng mabilis na paglawak ng kilusang pambansa-demokratiko sa iba’t ibang rehiyon ng bansa mula nang ipataw ang batas militar. Maraming aktibista ang kumalat sa iba’t ibang panig ng bansa para ipagpatuloy ang pakikibaka sa diktadura.

Sa simula ng batas militar, nagpatuloy sa paglalathala ng kani-kanilang pahayagan ang mga organisasyong sektoral habang may ilan ding martial law na nagsimulang maglathala.  Sa hanay ng mga kabataan nandiyan pa rin ang  Kalayaan ng Kabataang Makabayan (KM), Bandilang Pula ng Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK), Kalakal ng Progresibong Samahan sa Pangangalakal (PSP). Inilabas ng Lakas ng  Diwang Rebolusyonaryo (LDR) ang Pagsilang, ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) ang Malayang Pilipina,  ng Students’ Alliance for National Democracy (STAND) ang Ang Estudyante.

Naglathala ang mga nasa larangan ng sining  ng Dare to Struggle, Dare to Win!, ULOS, KAMAO, Kontres, Panitikang Pilipino, The Cultural Worker at Sulong. Ang mga taong-simbahan ay may Pilipinas, ang mga siyentipiko ay may Agham-Bayan, ang mga negosyante ay may The Nationalist Businessmen’s Review, ang mga nasa kalusugan ay may Medical Tracts at ang mga manggagawa ay may Anak-Pawis.

Hindi naman malaki ang sirkulasyon ng mga pahayagang ito – ni wala yatang nakakaalam ng mga eksaktong numero. May isang panahon, halimbawa, na stencil lamang ng Ang Bayan ang ipinamamahagi at bahala na ang makatanggap kung paano at gaano kadami ang ilalathala. Ang importante ay maparami ang mga ito at maipamahagi sa mga mambabasa. Ang totoo, nagpapasalin-salin sa maraming kamay kahit isang kopya lang ang matanggap ng isang yunit, halimbawa. Ayon din ito sa payo ng Taliba ng Bayan: “Ipasa Pagkabasa”.

Hindi rin naman tuluy-tuloy ang paglalathala. Isang dahilan nito ang mga hulihan. Pero makaraang mawala sa sirkulasyon, muling nailalathala ang mga napinsalang pahayagan at nangungutya pang sasabihin ng istap sa militar minsang lumabas muli ang isyu ng pahayagan: “Nandito na namin kami, medyor!”

Bukod sa mga hulihan, totoo namang nagkukulang din sa mga risorses ang mga tagapaglathala bukod pa sa paglilipat-lipat ng mga tao sa ibang gawain. Sa kabila ng maraming problema, patuloy sa paglalathala ng mga pahayagan ang kilusang pambansa-demokratiko. Malalim na nakatimo sa kaisipan at gawi nito ang kahalagahan ng gawaing pamamahayag.

(Mababasa ang ilang halimbawa ng mga pahayagang ito sa http://dlambrosio.multiply.com).

Share

The National Archives: Front seat to history

February 23, 2010 by admin  
Filed under blogs

gloria-weblognewLeafing through each page of the Spanish documents at the Philippine National Archives (PNA) in Manila can be a great adventure that brings this researcher back in time some 300 years ago.

Each page has a story to tell and speaks to me (in Spanish of course) in the silence of the archives muted by time for long.

Anyone who is allowed to intrude in the sanctity of any document must treat each page with respect as any haphazard or wrong move may break its aged brittle brown parts to pieces; dust had gathered on bundles of documents; termites had eaten some portions; and signs of mildew of yore had invaded pages – despite unceasing dusting, opening and tireless efforts of PNA librarians to save the documents.

It must be the Philippine weather and everyday dust peculiar to a tropical country like ours that threaten these documents to extinction.

Helpful Ms. Naomi Alejo, a librarian at the PNA, says nothing is permanent but the documents in the archives must be preserved just the same because they reflect our sense of history. This is what we lack, she continues, that we do not appreciate the historical documents that must be preserved for long.

Writing about the documents, for me, may somehow ensure the continuity and preservation of its contents. But for historians, nothing beats primary sources in the archives that are the basis for its veracity or at least, nearer to it, despite the passage of time and anyhow losing the ability to witness history as it unfolds.

Viewpoints vary depending on what framework one has. Educational institutions carry their own framework of history depending on what it has grasped and what it has decided –or not – to pursue. A Spanish researcher who has been staying in the Philippines for a long time opines that the University of the Philippines’ framework has always been time-warped in angry mode and refers the Spanish colonizers as “malo” or bad.

Was there ever a time in history when colonizers had been good? Nevertheless, while historical viewpoints of the Filipinos emanate from “bad” experiences as “rebeliones” and “insurecciones” had been launched, it is now better today to focus on how the Filipinos survived the ordeals through generations.

Examining through the 18th and 19th century Spanish documents one gets this general impression: Amid policies and harsh moves to implement the King’s edicts by the Spanish clergy and soldiers in the Philippines in the name of Christianity and the Patria, the Filipinos’ bravado, resiliency and creativity to weave through challenges to survive had always been present.

The Indios, later Filipinos, were made of hardy stock characterized by what Professor Zeus Salazar theorizes as “kabutihang-loob”, “kagandahang-loob” and “kababaang-loob.” We also have the “lakas ng loob” where springs forth our audacity.

Share

NBI busts foreign drug syndicate, arrests Filipina drug mule

February 22, 2010 by admin  
Filed under news

23 February 2010 – The National Bureau of Investigation (NBI) arrested four members of a West African drug syndicate which recruited Filipinos as drug couriers, the Department of Foreign Affairs (DFA) said Monday.

DFA spokesperson Eduardo Malaya said the syndicate is composed of three Guinea Bissau nationals and a Filipina.

“This decisive action by Philippine law enforcement authorities should serve as a stern warning to those who have been victimizing Filipinos.  It is also a reminder to our kababayans not to allow themselves to be willing victims in exchange for money,” Malaya said.

The National Bureau of Investigation (NBI) reported that the four drug mules arrested were in their way to bringing their Filipino recruits to the airport in Clark Field, Pampanga.  They also seized from the suspects two thumb-sized capsules containing 20.0170 grams of cocaine hydrochloride as well as instruments used for drug trafficking.

The NBI recommended the filing of charges against the four for violation of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, and the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 before the Angeles City Prosecutor’s office in Pampanga where the arrest took place.

Earlier, DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Esteban Conejos, Jr. revealed that the number of Filipinos facing drug-related charges in China has increased at alarming levels.  Seventy-two Filipinos are facing capital punishment due to drug trafficking. Some 62 out of the 72 have a chance of getting a reprieve.

Meanwhile, President Gloria Macapagal Arroyo signed Administrative Order (AO) No. 279 last week, creating an inter-agency task force for the prevention of Filipinos being used as drug couriers by international drug trafficking syndicates.

President Arroyo signed the Administrative Order on the recommendation of the DFA.

According to the AO, the fight against illegal drugs would require that all available government resources be utilized and that concerned law enforcement agencies be coordinated to ensure the implementation of a unified anti-drug program that would address the problem of drug couriers.

The Drug Couriers Task Force (TFDC) will be composed of the Philippine Drug Enforcement Agency as chair; the DFA as co-chair; and the Department of Labor and Employment, the Bureau of Immigration, the Bureau of Customs, the NBI, the Philippine Information Agency, the Manila International Airport Authority, and the Philippine Tourism Authority as members.

The TFDC is tasked to develop and execute programs and strategies against the recruitment of Filipinos as international drug couriers by international drug trafficking syndicates that victimize overseas Filipinos.

Share

Kiss my art

February 19, 2010 by admin  
Filed under blogs

SA Saudi, kahit tigasing Kabayan ay lumalambot sa homesick. Lahat ng napupunta roon ay ngumangawa sa unang gabi pa lang. Hindi sila binibeybi roon.

Pero tulad ng paliligo sa umagang maginaw, ang unang buhos lang naman ang magpapanginig ng iyong laman. Ganyan din ang pamumuhay sa Saudi, mga ’igan. Masakit sa una. Masakit pa rin sa susunod pero kaya na. Ang iba nga’y tuluyan nang nagsunog ng tulay at doon na namuhay.

Kung anu-ano talaga ang pumapasok sa kukote ng mga Kabayan para makalimot sa naiwang utang at sakit ng pagkawalay sa mahal sa buhay. Merong nangungulekta ng kung anu-ano: ginto, alahas, gamit sa katawan, gamit sa bahay, chicks, papa, mama, atbpa.

Pagpipinta naman at paglalaro ng ahedres ang pinagparausan ko. Ang pagpipinta ay katuparan ng matagal ko nang pangarap. Paborito ko kasing idrowing si Superman, Batman at iba pang superheroes sa DC at Marvel comics noong bata pa ako. Hindi nakaligtas sa akin ang dingding ng bahay namin noon.

Pati ulo ng kapatid kong mas bata sa akin ay ginuguhitan ko kapag bagong gupit at tulog siya. (Wala pang Bantay Bata noon at hindi pa kilala ang children’s rights, kaya kahit kinasusuklaman ng mga bata ang gupit na “kutsarita,” mga magulang pa rin ang nasusunod. Resulta, parang canvas ang ulo namin kapag bagong gupit. Masarap sulatan.)

Maraming magagandang subject na pwedeng ipinta sa Jeddah. Nariyan ang camel, ang mga maliliit na tindahan ng stamps, ang dagat at mga lumang gusali. Katunayan, magagaling ang arkitekturang Arabo sapagkat dito talaga nagsimula ang Islamic art. Bawal sa mga sinaunang Muslim na iguhit ang mga bagay na may buhay, lalo na ang tao. Kaya ang Islamic art ay kadalasang abstract at nakikita sa disenyo ng mga carpet, mosque, mga kagamitan, bahay at mga gusali.

May mga nagmungkahi na ipinta ko raw ang mga tanawing Pinoy, tulad ng bukid, bundok at parang, mga bahay kubo na nasa gitna ng kabukiran, araw na papalubog sa likod ng nag-uumpugang bundok at kalabaw na nagtatampisaw sa putikan.

Hindi naman masamang ideya iyon, pero parang nakakaasiwa. At hindi ako nag-iisa sa ganitong opinyon. Katunayan, sa isang tsikahan sa paborito naming lungga sa Jeddah, ilang dalahirang Kabayan ang nagsabi na: “Bakit kapag inilalarawan ang Pinas hindi nawawala ang bundok, mga rondalya, mga nagsasayaw ng tinikling, mga bukid at kung anu-ano pang kaeklatan na nagpapakita lang ng pagiging atrasado ng bayan nating sinisinta?”

Oo nga naman, bakit hindi ilarawan ang mga bahay sa gitna ng bundok ng basura, mga biktima ng salvage na lumulutang sa ilog Pasig at trapik sa EDSA? Magandang subject din ang mga ito.

Sabi nga ni Aristotle (Ungasis) habang naglalanggas ng alipunga: “Beauty is in the eyes of the bee holder.” Sa Tagalog: “Walang magandang tsiks sa galit na putakte.”

At sa mga pumipintas sa paintings ko, ito lang ang sinasabi ko: “Kiss my art!”

Share

OFW vote

February 17, 2010 by admin  
Filed under blogs

BIDA na naman ang mga kababayan natin sa ibayong dagat na nag-uwi ng tumataginting na $17.3 bilyon sa pagtatapos ng nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Mas malaki ito ng 5.6 porsyento sa $16.4 bilyon na pumasok sa bansa noong 2008.

Syempre, ang gumastos ng pera e yung mga kamag-anak ng overseas Filipino workers (OFWs), yung mga binayaran nila ng utang at mismong mga OFWs. Pero kahit sinong ekonomista ang tanungin mo, sasabihin nilang nakikinabang din tayo kapag ginagastos nila ang pera nila dito. Maganda raw iyon sa ekonomiya na malaon na sanang natigok kung hindi dahil sa remittances o padalang pera ng OFWs. Umiikot kasi ang pera kapag ginagastos kaya nagkakaroon ng demand para sa serbisyo at produkto. Ang problema lang sa ganitong klaseng pag-unlad ng ekonomiya e nakabatay ito sa paggastos (consumer driven, ika nga sa Ingles) at hindi sa paglikha ng mga bagong produkto na gaya ng nililikha ng agrikultura, manupaktura at industriya. Ika nga, walang maaasahang tibay dito sa pangmatagalan at hindi umaasenso ang pinakamahihirap na sektor ng bayan.

Gayunpaman, kahit tigasin ang OFWs pagdating sa remitans, hindi sila ganun katigasin sa pagbibigay ng solidong boto tuwing eleksyon. In short, kalokohan lang ang OFW vote.

May mahigit 8 milyong OFWs sa mahigit 100 bansa sa ibayong dagat pero kokonti lang ang interesado sa kanilang lumahok sa eleksyon (kahit ako e hindi rin interesado noong nasa Saudi ako – at hindi pa rin ako interesado hanggang ngayon) na mababakas sa kokonting bilang ng nagparehistro. May mahigit 200,000 OFWs lang ang nagparehistro para bumoto sa tinatawag na overseas absentee voting para sa 2010 elections. Noong 2007, 143,000 lang ang nagparehistro at 364,000 noong 2004.

Mapapansing mas mataas ang bilang ng nagparehistro noong 2004 kesa noong 2007 dahil presidential election iyon at kapapasa lang ng batas sa absentee voting noong 2003. Ngayong presidential election ulit, tumaas nang konti ang bilang ng botante pero tinga pa rin ito kumpara sa kabuuang bilang ng OFWs. At batay rin sa karanasan, maliit lamang ang voter turnout o bumoboto sa eleksyon sa kung anu-anong dahilan. Noong 2007 senatorial election 16 porsyento lang ng registered OFW voters ang bumoto. Umabot sa 65 porsyento ang bumoto noong 2004 dahil nga presidential election iyon at bago pa lang ang absentee voting. Para sa taong ito, maswerte na kung aabot sa 50 porsyento ang boboto at kung magkaganun man, hindi pa rin sila boboto nang solido kaya walang kandidatong interesedong ligawan sila ngayon, di tulad ng panliligaw ng mga ito sa mga kulto at grupong relihiyoso.

Maraming grupong OFW ang nangangarap na magkaroon ng papel sa gobyerno. Malas lang nila dahil sa kabila ng pang-uuto sa kanila sa pagtawag na “bagong bayani” hindi sila ganun kapogi o kaseksi sa tingin ng mga kandidato o mismong ng gobyerno.Hernan-weblog

Share

Remains of Filipina who died in Haiti earthquake to arrive on Friday

February 17, 2010 by admin  
Filed under news

18 February 2010 –  The remains of a Filipina worker who died in the Haiti earthquake will arrive in the Philippines Friday morning (Manila time), according to the Philippine Embassy in Cuba.

Philippine Vice-Consul to Cuba Jason Anasarias said that Mary Grace Fabian’s remains was shipped to Manila from Santo Domingo, Dominican Republic yesterday after clearing all Dominican documentary requirements.

Fabian’s remains was pulled out of the collapsed Carribean Supermarket at 11 AM of February 7 in Haiti (12 AM of February 8 in Manila).

She was positively identified by Lowel Lalican, the husband of Geraldine Lalican, another OFW still trapped under the rubble of the supermarket.  Fabian, an employee of the Carribbean Supermarket, was identified through her uniform, hair and necklace.

Fabian’s remains was recovered three weeks after a 7.0 magnitude earthquake struck Haiti on January 12.

Upon the instructions of her sister Rosalyn Fabian, who is based in Haiti, the remains of Mary Grace Fabian was initially interred at the National Cemetary in Port-au-Prince. But her family in the Philippines requested the Department of Foreign Affairs (DFA) to have her remains repatriated.

The DFA coordinated with Overseas Workers Welfare Administration and her family so Ms. Fabian’s remains can be brought home to her family as soon as possible.

“We would like to honor the family’s request to have her home,” DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban B. Conejos said.

Share

Pag-ibig at rebolusyon

February 11, 2010 by admin  
Filed under blogs

ANG nakaraan: Ikinulong ng mga magulang ni Gregoria de Jesus ang kanilang anak sa isang bahay sa Binondo dahil tutol sila sa pakikipagmabutihan nito sa lalaking taga-Tundo at tunay na mahirap, na lumilingon sa tawag na Andres Bonifacio. Tutol sila kay Andy dahil kasapi ito ng isang kilusang lihim na bumabatikos sa kolonyalistang Espanyol.

Pero hindi nawalan ng pag-asa si Gorie, nagawa niyang magpalusot ng sulat sa gobernadorcillo ng Binondo at humingi ng tulong para iligtas siya sa kamay ng “malulupit” na magulang at maikasal sa sinisintang si Andy.

Ngayon, ang pagpapatuloy ng ating kwento…

Ang totoo niyan, kahit basambasa ang papel ng pamahalaang Espanyol sa mga Pinoy noon, may ilang mga matitino ring tauhan ng pamahalaan na may pakinabang rin naman. Naglabas ng kautusan ang “Gobernador Civil de Manila” na asikasuhin ang kaso at tulungan ang “Tagala” na maikasal sa nobyong di nila alam e may planong pabagsakin ang gobyerno para sa kasarinlan.

Pero minalas namang nagkasakit si Gorie kaya hindi siya nakarating sa munisipyo para sa pagdinig ng kaso niya.

Sumulat siya ulit at heto yun:

“For Gobernador Cibil negociado de Disenso Paterno

“Muy for mio,

“Acopoi si Gregoria de Jesus na taga Caloocan na ipinatatawag niang Gobierno Cibil dahil sa Espidiente na ipinadala ng tribunal ng Naturales ng Binondo aco poi hindi nacarating diyan sapagcat acoy nagcasaquit, ngayon po acoi magaling na at malacas, ipinaquiquiusap co po sa inio na acoi ipatawag mo pong uli at aco poi yaalis ng aquing magulang caya po higpitan niño

“Ynaasahan co po na acoi paquiquingan niño sa aquing paquiquiusap sa iño

“Gregoria de Jesus”

May petsa itong 8 Enero 1894 at may kalakip na isang medical certificate na nakasulat sa Espanyol, may petsang “14 de Diciembre de 1893” at pinirmahan ng isang Jose N. Hidalgo. Sinasabi ni Hidalgo na nagkaroon si Gorie ng “atakeng histerikal” at maputlang-maputla.

Marahil ay nag-hunger strike itong si Gorie o talagang dinibdib niya nang labis ang paghihiwalay nila ni Andy kaya siya nagkaganun.

Pero anuman ang tunay na kwento tungkol sa dinanas ni Gorie sa mahigit anim na buwang pagkakulong sa bahay, hapi ending din naman ang nangyari dahil binigyan sila ng lisensya sa kasal ng gobyerno at nakasal din sila ni Andy sa bandang huli.

At dahil mga rebolusyonaryo sila, ikinasal ulit sila sa kilusang lihim na dinaluhan ng mga bigating tao sa Katipunan, kabilang ang dalawang kapatid na babae ni Joey Rizal na si Josefa at Trinidad.

Pero kaiba sa mga kwentong pantasya, hindi pwedeng sabihing “they lived happily ever after” dahil tatlong taon lang pagkatapos noon ay ipapapatay si Andy, hindi ng mga kaaway na Espanyol, kundi ng sariling mga kasamahan sa Katipunan na itinatag niya. The end.

Share

Andy at Gorie

February 11, 2010 by admin  
Filed under blogs

KAHAPON sinabi kong parang kwentong Romeo and Juliet sa tunay na buhay ang ligawan ng mga bayaning sina Gregoria de Jesus at Andres Bonifacio, at merong patunay na papeles tungkol dito.

Alam nating masaklap ang kahihinatnan ng buhay ni Ka Andy Bonifacio sa kalaunan dahil dadayain siya sa isang “mock election” sa Cavite ng katoto niyang si Emil Aguinaldo. Hindi sa pelikula nina FPJ at Ramon Revilla unang nabanggit ang walang kamatayang katagang “Iyo ang Tundo, akin ang Cavite.” Binigkas iyon noong panahon nina Ka Andy na taga-Tundo at Ka Emil na, siyempre, taga-Cavite. Kung nabubuhay si Ka Andy ngayon ay pihong sising-sisi siya sa pagpunta sa Cavite.

Pero balik tayo sa pinag-uusapan kong mala-telenobelang pag-iibigan nina Gorie at Andy. Ito palang si Gorie e sumulat sa meyor ng Binondo noon para iligtas siya sa mga magulang na tutol sa pagtitinginan nila nang malagkit ni Andy. Ganun katindi ang pagkaasar ng tatay niya sa ating bida, sukdulang ikulong ang sariling anak mailayo lamang sa kanya. Heto ang sulat-kamay ni Gorie na hindi ko pinakialamang masyado (hindi ko inedit at nilagyan ng mga tuldok at kuwit sa mga tamang lugar) para ma-feel natin ang rubdob ng kanyang damdamin at manamnam ang pamamaraan sa pagsulat ng mga tao noong panahong iyon:

“Gobernadorcillo de Naturales de Binondo

“Muy for mio,

“Aco poi si Gregoria de Jesus nataga Caloocan dalagang tagalog at menor de edad aco po ay may tratong mag asawa sa aquing novio nasi Andres Bonifacio na taga Tondo Calle de Sagunto nº 11 lebrada ng matalastas ng aquing magulang ang aquing magandang hangad aco po ay dinala dito sa Binondoc at inilagai aco sa isang bahai sa Calle Madrid nº D letra 28 (actually no. 28 letra D gaya ng nakasulat sa ibaba) ang lagai copo dito ay tunay na bilanggo wala acong libertad na ano man

“Saiyo pong capangyarihan aco ay nagquequeha (request?) at hinihingi co po sa iyo mediante justicia aco poi cunin mo rito, tawagin ang aquin novio, gawin mo ang de legenciang dapat, ipadala sa gobierno na para cami macasal

“Humihingi po aco saiyo ng pag ca justicia at umaasa po acong paquiquingan mo sapagcat itoi siyang toncol ng sinomang may magandang calooban na para mo po

“Gregoria de Jesus

“6-20-1893

“Calle Madrid

“Nº 28 letra D”

Hindi ko maintindihan ang huling sinabi niyang “na para mo po.” Baka may karugtong na nawala o ganun talaga siguro ang mga sulat noon. Pero malinaw na “bilanggo” siya ng mga magulang at humihingi ng tulong.

Hindi ko akalaing ganito kahaba ang istoryang ito. Kapos na naman po ako sa espasyo. Abangan na lang ang susunod na kabanata…

Share

Pag-ibig ni Ka Andy

February 11, 2010 by admin  
Filed under blogs

Hernan-weblogYAYAMANG buwan ng pag-ibig ngayon at gusto kong medyo ilayo ang paningin sa nagaganap na sirko sa paligid para kiligin naman nang kaunti, silipin muna natin itong pag-ibig ng bayani nating si Ka Andy Bonifacio.

Kung kilala sa pagiging pilyo sa tsiks itong si Ka Joey Rizal, kilala naman itong si Ka Andy bilang “mabait na bata” at walang masyadong na-link sa kanya. Siguro dahil kaunti lang ang nasusulat tungkol sa lovelife ni Ka Andy o kaya naman ay masyado siyang seryoso sa “tunay” niyang pag-ibig: ang “tinubuang lupa.”

Di ba inalayan pa niya ito ng tula? Sabi niya: “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya/ sa pagkadalisay at pagkadakila?/ Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa./ Aling pag-ibig pa?/ Wala na nga, wala.”

Kitam? Unang pag-ibig niya ang bayan at pangalawa na lang at pangatlo ang dalawang naging asawa niya (nang hindi magkasabay).

Pero kahit ganun, hindi korni ang buhay pag-ibig ni Ka Andy. Katunayan, batay sa nakalkal na mga lumang dokumento sa National Archives nitong masipag kong misis, masasabing ang pag-iibigan nitong si Ka Andy at ang naging pangalawa niyang asawa na si Gregoria de Jesus, alias Oriang, e parang kwento nina Omeng at Huli na mas pamoso sa tawag na Romeo and Juliet.

Isa sa mga dokumentong nakita ko e ang lisensya sa kasal mula sa “Gobierno Civil de Manila” nina Ka Andy at Ka Oriang na ibinigay matapos ang mahabang pakiusap ng menor de edad na si Oriang at labag sa loob ng mga magulang ng babae.

Batay mismo sa talambuhay na sinulat ni Oriang at nalathala noong 1932, anim na buwan na nanligaw si Ka Andy – hindi sa kanya kundi sa mga nanay at tatay niya. Halos 30 na noon si Ka Andy at balo sa unang asawa – na Monica umano ang pangalan at namatay sa ketong – samantalang si Oriang ay 18 lamang.

Pero ayaw umano kay Ka Andy ng mga paryentes ni Oriang dahil isa itong Mason. (OK, mason ang tawag sa naghahalo ng semento pero ibang klaseng Mason ang tinutukoy dito. Ang Mason o Freemason ay isang organisasyon ng mga “maginoo” at maraming sikat at dakilang tao sa iba’t-ibang panig ng mundo ang kasapi nito. Kasapi nito sina Rizal, Marcelo H. del Pilar at mga bayaning Pinoy na nasa Espanya noong panahong iyon. Sila ang nagdala ng organisasyon sa Pinas at pinayagang sumali kahit yung mga tunay na mahihirap, gaya ni Man.. este, ni Ka Andy. Hay, napakahabang paliwanag para lamang sa salitang Mason.)

Anyway, naubusan na ako ng espasyo pero hindi ko pa nababanggit dito ang mga sulat ni Oriang sa pamahalaan ng Maynila na humihiling iligtas siya mula sa kamay ng mga magulang at ipakasal sa sinisintang si Andres Bonifacio. Nakakakilig, di ba?

Bweno, bukas ko na itutuloy ang kwento…

Share

65 sugar retailers in 22 markets sell overpriced sugar

February 1, 2010 by admin  
Filed under news

sugar2 February 2010­- Some 65 retailers in 22 markets all over Metro Manila sell refined sugar higher than the suggested retail price (SRP) of P52 per kilo that the Sugar Regulatory Administration (SRA) fixed during the last week of January.

In a report to Agriculture Secretary Arthur Yap, Undersecretary Bernie Fondevilla said that either of two types of Show Cause Directives (SCDs) was issued to these retailers mandating them to personally explain or submit in writing within 48 hours why they should not be prosecuted for selling sugar beyond the SRP of P52 a kilo.

Failure of these retailers to either appear before, or submit their written explanations to the DA to explain their side—and with the supporting documents—would be deemed as a waiver on their part, said Fondevilla, and would lead to the Department’s filing of profiteering charges against them for violation of Republic Act No. 7581 or the Price Act.

“This is not a violation of due process because the respondents still have the opportunity to present their defense and evidence in their respective answers,” Fondevilla said in his report to Yap .

Fondevilla bared that in inspection trips to 22 Metro Manila markets over the January 25-26 period, the DA’s enforcement team found 65 outlets selling sugar at a range of P53 to P60 a kilo.

“The DA enforcement team conducted its market visits in major wet markets and supermarkets in Metro Manila to determine if the local retailers of refined sugar were selling their commodity within the SRP,” he said. “Retailers found to be selling refined sugar above the SRP were issued SCDs (Show Cause Directives) to give them the opportunity to explain why they were selling above the SRP.”

“Selling of refined sugar beyond the current SRP may be a ground for prosecution of ‘profiteering’ under RA 7581 or ‘The Price Act,’” he stressed.

Such action was taken by the DA against suspected profiteers following Yap’s announcement early last week that the DA and Department of Trade and Industry (DTI) were closely monitoring retail prices of sugar in Metro Manila and elsewhere and would not hesitate to padlock establishments or stores—and file appropriate charges against their owners—caught selling this commodity beyond the SRP of P52 per kilo.

Yap said last week that the DA and DTI would keep tabs on price movements across the supply chain from the sugar mills to retail outlets so the government could spot abnormal price adjustments and run after profiteers capitalizing on spiraling up of the domestic price of sugar brought about by a global supply shortfall.

Share