Mga Tsiks ni Rizal

December 31, 2010 by admin  
Filed under blogs

Hernan-weblogNGAYONG araw ginugunita ng bansa ang pagpatay kay Joey Rizal sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan, na ngayo’y mas kilala sa tawag na Luneta. Naasar kasi ‘yung makapangyarihang mga prayle sa sinulat niyang mga nobela, ang Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Hipuan) at El Filibusterismo (Ang Pag-aalburoto).

Pero ang hinahangaan sa kanya ng mga kasama ko noon sa Saudi e ang pagiging “matinik niya sa tsiks.” Katunayan, isa sa kanila ang gumawa pa ng listahan ng mga bubae ng ating bida para – wala lang – gusto lang niyang patunayan na babaero nga itong ating bayani na kung tawagin nila ay “unang OFW.” Si Riz daw e “lumang bayani” at ang OFWs e “bagong bayani.” Natural, pag-aawayan pa natin ang puntong ito.

Basta heto ang mga bebot sa listahan ni kabayan:

Bb. L: Sobra ang tanda ni “Binibining L” (hindi kamag-anak ni Sister Stella L) kesa kay Joey at pinaniniwalaang ito si Jacinta Ibardo Laza na dati niyang titser. Naunsyami ang pagnanasa ni Joey sa babae nang pagbawalan siya ng tatay niya. At dahil masunuring anak, itinigil niya ang “kabaliwang” iyon.

Leonor Rivera: Sino ang hindi nakakikilala kay Leonor Rivera, ang pinsan ng ating bida, na nagpasakit ng kalooban niya nang todo-todo matapos magpakasal sa iba?

Julia: Nakilala ito ni Joey noong disisais lang siya. Ayon sa kwento, naliligo si Hulya sa ilog. (Binosohan kaya siya ni idol? Nah! Hindi niya magagawa yun.) Humuli siya ng paru-paro para magpakitang gilas at ibinigay kay Huli kaya nagkakilala sila at nagligawan. Hmm, parang pelikula.

Segunda Katigbak: Paga-disisais din lang siya noon pero hindi niya pinagsabay sina Huli at Gunding. Ewan ko kung paano niya ginawa iyon pero iyan ang nasusulat. Si Gunding ang sinasabing “una” niyang pag-ibig. At una ring pagkabigo.

Leonor Valenzuela: Kasingtangkad ito ni Joey at Orang ang palayaw niya, peks man. Kapitbahay siya ng tinutuluyan ni Ka Joey nung nag-aaral pa siya ng medisina sa Maynila.

Consuelo Ortega y Perez: Nakilala siya ni aydol sa Madrid. Tunay na walang takot sa height itong bida natin. Hindi siya nalulula sa tangkad at hindi rin maliwanag kung naging magsyota sila pero hinandugan niya ito ng tula na pinamagatan niyang “Sa iyo, Bb. C.O. y P.”



Seiko: Hindi ito relos o wallet. Binansagan siya ni Joey na O Sei San, huwag n’yo akong tanungin kung bakit. Nagkakilala sila sa Hapon nang minsang maligaw doon ang bida. Gusto na sanang tumira ni Joey sa Tokyo at pakasalan si Seiko. Pero gaya ni Superman, malakas ang tawag ng misyon kay Joey at iniwan si Seiko kapalit ni Tag Heuer, este, para pumunta sa Europa

Gertrude Beckett: Kulay asul ang mata. Anak ng kasera ni Joey. Naging magsyota sila pero masyadong bata ang disiotso-anyos na si Gettie para kay Joey.

Nellie Boustead: Naging magkaribal si Joey at Tonying Luna sa babaeng ito. Pero “matinik” nga si Joey, ano’ng magagawa natin? Nagkahiwalay sila dahil ayaw ni Joey na maging Protestante.

Josephine Bracken: Sino rin ang hindi nakakikilala sa babaeng ito na nakasama ni Joey hanggang sa huling sandali? Kahit lahing puti, kasingtangkad lang ni Nora Aunor si Hosepina. Nagkaanak sila pero namatay din agad sa hindi malinaw na dahilan.

Kulang pa raw ang listahang ito, sabi ng tagahanga ng ating bida. Pero hanggang walang nasusulat tungkol sa kanila, mananatiling tsismis lang ‘yun.

Share

Adopt a municipality: Rediscover your story

December 18, 2010 by admin  
Filed under article, features

Adopt a municipality or a sector, especially the disadvantaged ones, as your legacy and gift to the country. Have their colorful stories of struggle and celebration of survival in various facets of life – from long time ago and in recent past – be published here.

Through these stories, inspire them to plod on and move toward healing themselves of the historical pain by rediscovering their strengths and learning from our weaknesses as a people.

We search the archives for primary sources as we compare and contrast them with oral history. Then we write about local history in popular form that is readable for present-day busy readers.

For free consultation, please get in touch with gem@philippinehistory.ph, or call PNS Media Consultancy Services at (02) 4344251 and 09182751828.

Share

Simbang Madaling Araw

December 16, 2010 by admin  
Filed under blogs

Hernan-weblog110x110NOONG uhugin pa akong bata sa Navotas at walang sapat na lakas ng pag-iisip para itanong kung bakit kelangan kong gumising sa madaling araw para mag-Simbang Gabi, sumusunod na lang ako sa bawa’t sabihin ni utol. Kapag sinabi niyang magdasal ako bago matulog, nagdarasal ako kahit walang alam na dasal para hindi lang mabatukan.

Pero tuwing magpapasko, hindi na ako kailangang pilitin para bumangon sa kalamigan ng madaling araw, maghilamos, magpunas ng katawan, magbihis ng magara, magsapatos at magsimba. Madalas hindi ko makumpleto ang siyam na madaling araw hanggang Pasko pero oks na rin. Wala pa akong konsepto ng pagkakasala at kapatawaran noon at kung anu-ano pang sinasabing nakukuha sa pagsisimba.

Basta ang alam ko ay masaya ako sa maraming bagay tuwing sasapit ang ganitong panahon. Maraming masasayang tao sa paligid (at alam nating nakahahawa ang kasayahan), maraming magagandang babae sa simbahan, nakaka-bonding ko ang mga pinsan at kaibigan at higit sa lahat, maraming kakanin.

Dalawa lamang kakanin ang nami-miss ko hanggang ngayon: ang puto sulot at tamales. Kung hindi ka natira o naligaw man lamang sa Navotas, malamang hindi mo alam kung ano ang puto sulot. Maaaring mali ako pero marami-rami na rin akong napuntahang lugar sa labas ng Navotas at hindi ko nakita ang kakaning ito sa mga iyon. Dalawang klase ang putong niluluto sa bumbong ng kawayan sa Navotas noon (ewan ko lang kung hanggang ngayon): ang “puto sulot” nga at ang “puto taktak” na mas kilala sa buong bansa at maraming panig ng daigdig bilang “puto bumbong.” Parehong puto bumbong iyon pero para maiba, tinawag na puto sulot ang puting kaning malagkit na “sinusulot” ng pantulak na patpat para lumabas sa bumbong. Puto taktak naman ang kulay ubeng malagkit na inilalabas sa bumbong sa pamamagitan ng – tingnan mo nga naman – pagtataktak.

Pareho itong nilalagyan ng kinayod na niyog at asukal. At parehong masarap. Ang ginagawa ko pa noon e isinasama ang puto sulot sa sampurado at sinusundan ng inom ng mainit na tsaa.

Napakaraming lugar na rin ang narating ko pero hindi ko nakita ni anino man lamang ng uri ng tamales na nabibili noon sa Navotas tuwing umaga. May nabili akong tamales noong nasa Saudi ako pero ibang-iba ang sangkap at lasa nito. Nang minsang dumalaw ulit ako sa Navotas dahil walang baha noon, sinabi sa aking wala nang nagtitinda ng tamales doon. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko na lang at sinabi sa sariling hindi ko na siguro ito matitikmang muli hanggang pumanaw sa mundong ibabaw.

At mas lalong masaklap ito dahil nga magpapasko. Nagsimula na ngayong araw ang Simbang Madaling Araw, este, Gabi pala. (Ano kaya ang iniisip noon ng mga ninuno natin at tinawag nilang Simbang Gabi ang Simba sa Umaga at asukal na pula ang brown sugar? Ayos lang kaya sila?)

Share

Planner 2011 brisks sale

December 8, 2010 by admin  
Filed under news

IJMauiPlanner2011 The page on Facebook is Baguio’s Puso Lang Yan Malayo Sa Bituka 2011 Planner. Track your activities with the artistically crafted calendar s and get “emo” with the LOVE HISTORY  and LET GO MOVE ON TRACKER. Reminisce with us as we bring back you to daily-trivia such as movies, celeb birthdays and other exciting stuff!
“Lahat ng tao ay umiibig at lahat ay nasasawi”. Nakatitiyak ako na ito ang PLANNER para sa lahat ng uri ng puso. Kwela, makata, at nakaka-reminisce…  Alam kong alam mong gusto mo nito. O kaya naman ay alam mong alam kong alam mo na may kaibigan ka na gusto nito. Malinaw? Kung malabo,  bili ka na lang… Relax! Puso lang yan… Malayo sa Bituka.

For buyers, contact 09274112034 (Baguio) and 09166720538 and 4344251 (Quezon City).

You may also visit Facebook to place your orders. LIKE this page: RELAX, PUSO LANG ‘YAN,MALAYO SA BITUKA 2011 PLANNER and place your order in the DISCUSSIONS tab. )
Hyperlink: http://www.facebook.com/?ref=hp#!/pages/Baguios-Puso-Lang-Yan-Malayo-Sa-Bituka-2011-Planner/107987039274381

The RELAX, PUSO LANG ‘YAN,MALAYO SA BITUKA 2011 PLANNER page on Facebook is holding a contest. Submit a photo and compete against other contestants by acquiring more LIKES. The winner will get a free planner! For contest details visit the NOTES tab on the page.

Planners are also available at AZOTEA GREENS VEGETARIAN DELI, 2nd Floor, La Azote Bldg, Session Road Baguio City.

Size is 6X6 inches at wala pang isang kilo ang bigat.

Share

Vegetarian products are now on sale

December 8, 2010 by admin  
Filed under news

Vegetarian bite-size sausage – 4 packs for 200 pesossagesale

Vegetarian steak – 3 packs for 200 pesos

Contact us for  orders: 8961215 or 09063120424

Share

Human Nature shares Christmas joy

December 8, 2010 by admin  
Filed under news

humannaturechristmasbundlesChristmas is just around the corner! This year, the infant Jesus will be made real for the Citronella farmers of Brgy. Kanapawan in Bicol thanks to your generosity and hard work. We will be giving 100% of the profits of our best-selling Citronella Bug Spray until Christmas to build a school, fund the teacher’s salary, provide healthcare for all residents and build 3 new extractors for their Citronella expansion. We call this One Heart For One Community and we pray that with this support, this barangay will never be poor again. We can change our country when we really try by simply following Jesus all the way to the slums!

You’ll also be glad to know that we’ve come up with exciting Christmas bundles to delight and inspire your loved ones. The much-awaited Love Minerals line of mineral make-up is available right now! We also have new facial washes, toners, sanitizer, tinted lip balm and cleansing oil, all of which we feel are great improvements over their previous formulations.

This year has been an extremely busy year full of milestones. We just concluded our first-ever Human Nature Summit where dealers from across the country came to meet our partner communities, fellow dealers and not to be forgotten, the very beautiful and inspiring Hollywood actress and Human Nature Global Ambassador, Ms. Rachel Grant. It’s hard to believe that it’s only been two years since we launched Human Nature with just a handful of products and the dream to create a global Filipino brand that can help build the country and save the environment. We hope that you will always be with us as we continue this journey.

Yours with hope,

Anna Meloto-Wilk
President
Gandang Kalikasan Inc.

Share

Bago mauso ang Simbang Gabi sa Pilipinas

December 6, 2010 by admin  
Filed under blogs

gloria-weblognew 110x110Noong unang panahong wala pang Simbang Gabi, inoobliga ng mga prayle ang mga Indiong magsimba at dumalo sa misa araw-araw. Pinagagalitan nang matindi ang mga hindi nagsisimba. Maraming pagkakataong nilalatigo pa at pinapalo ng mga prayle ang sinumang hindi nagsisimba. Kilala ng mga prayle ang bawat indibidwal at pamilyang nasa kanyang parokya kaya hindi puwedeng lumusot.

Mula sa panahong pinalalaki pa ng mga pari ang kanilang sakop na parokya, dinadalaw nila ang mga Indio kaya alam nila kung saan nakatira ang mga ito. Minsan, nagulantang ang isang Pranses nang pagpapaluin sa kalsada ng isang paring Espanyol ang isang babaing Indio dahil hindi niya raw ito nakitang nagsimba noong Linggo. Nangatwiran daw ang babaing may sakit siya at hindi makabangon pero nagalit pa lalo sa kanya ang pari.

Ayon sa Pranses sa Chronicles of Manila, naawa raw siya sa babae. Ito raw ang kalakaran kahit saan sa Pilipinas. Sa History of the Bisayan People, may ganito ring kuwento ang paring Augustinian na si Ignacio Francisco Alcina. Hinahampas niya rin (kahit kilalang mabait na pari sa mga Bisaya si Alcina) ang mga lumiliban sa pagsisimba.

Kaya nang dumating ang araw ng Kapaskuhan, pinoproblema ng mga pari kung paano mapagsisimba ang mga Pilipinong magsasaka ang karamihan. Katwiran kasi ng mga magsasaka, kailangang maaga silang magpunta sa bukid upang magtanim o maglinis ng kanilang mga pitak at taniman. Hindi sila makapupunta pa sa simbahan galing sa bukid lalo pa at marumi o malupa ang katawan, pati mga paa’t kamay nila.

May naisip na paraan ang mga pari: Papagsimbahin sa madaling araw bago magpunta sa bukid ang mga magsasaka. Sa ganito malinis pa sila, hindi basa sa bukid at hindi pa pawisan. (Naalala ni Alcina na halos himatayin siya sa amoy ng isang magsasaka nang magsimba itong “may kakaibang ipinahid na pabango.” Sabi sa kanya  ng mga Bisaya, “anghit” daw ang tawag doon. Inakala ng paring Espanyol na isang uri ito ng herb na ipinapahid sa katawan dahil mahilig magpabango ang mga Indio, anya. Hindi niya alam kung ano ang tunay na kahulugan ng anghit. Naisahan siya ng mga Pilipino.)

Balik tayo sa Simbang Gabi. Nagbigay ng instruksyon ang mga prayleng kailangang gumising nang madaling araw ang mga magsasaka na hindi naman mahirap sa kanila dahil sadya namang ito talaga ang oras ng gising nila. Kaya nga may mga sawikain tayong “bago pumutok ang araw” o “unang tilaok ng manok” na nagaganap sa alas-tres ng madaling araw.

Misa de gallo ang tawag ng mga paring Kastila dito. Misa ng mga tandang o misa sa madaling-araw ang tahasang salin nito sa Tagalog.  Simbang Gabi ito para sa mga Indio dahil pupungas-pungas pa ang mga Pinoy bago pa man tumilaok ang mga manok. Siyempre pa, kalembang ng kampana ang tiyak na nanggigising sa kanila at kailangang nasa simbahan na pagsapit ng ikaapat ng umaga.

Ngayong ika-21 siglo, nagpapatuloy ang Simbang Gabi mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 24.  Pinakahihintay ito ng kabataan (kahit itanong pa ninyo sa asawa ko noong kabataan niya) dahil bukod sa maraming pagkain tulad ng puto bumbong, kutsinta at puto, marami ring dalaga’t binatang nagsisimba.

Pinakahihintay rin ito ng mga bata dahil hudyat ito ng simula ng kanilang pangangaroling kahit na maraming “patawad po” ang kanilang matanggap. Kapag sinuwerte kasi’y pera at kendi naman ang mapaghahatian nila gabi-gabi kasabay ng Simbang Gabi.

Share

Oo, Binyang, may Santa Klaws

December 6, 2010 by admin  
Filed under blogs

TAUN-TAON, may mga batang nagtatanong kung meron ba talagang Santa Klaws. Katunayan, may isang walong taong gulang na batang sumikat sa Amerika mahigit sandaang taon na ang nakararaan dahil lamang itinanong niya sa dyaryo kung totoo bang may Santa Klaws.

Natural, sasabihin sa kanya ng dyaryo na meron. Walang matinong pahayagan ang maaatim na maging killjoy at sabihin sa isang batang hindi totoo si Santa. Agad sumikat ang katagang “Yes, Virginia, there is a Santa Claus” na sagot ng The Sun ng New York sa tanong ni Virginia O’Hanlon noong 1897 sa isang editoryal.

Syempre may halong drama at pambobola ang editoryal pero kumbinsing naman ito, ’ika nga. At mula noon, naging bahagi na ng alamat ng Pasko ang naturang editoryal kasabay ng muling paglabas ni Santa Klaws. Nanatili ring naniniwala si Virgie kay Santa hanggang mamatay noong 1971 sa gulang na 82.

Ang totoo niyan, hindi naman kelangang maghabi ng kung anu-anong kaek-ekan ang sumulat ng editoryal. Hindi na niya kelangang sabihing tulad ng diwata si Santa na dapat paniwalaan kahit hindi nakikita. Dahil totoo namang umiral si Santa Klaws sa tunay na buhay. Hindi nga lang sa anyong kilala natin ngayon.

Syempre alam na ng lahat na si Santa Klaws e si San Nicolas. Parang Saint Elmo’s fire na kalaunan e naging santelmo na lamang.

Hindi bading si Santa Klaws kahit Santa ang pangalan niya. Santo talaga siya at hindi santa. Kaso sa mga Kano, walang kaibahan ang santo at santa. Nung unang labas nga niya sa Christmas card e Sante Claus pa ang tawag sa kanya.

Bago pa siya maging Santa Claus sa Amerika, kilala na si San Nicolas sa Europa at iba pang parte ng mundo bilang patron ng halos lahat ng klase ng mga Kristyano, partikular ng mga bata, magdaragat at sundalo. Pero batay sa mga alamat at kwentong nagpasalin-salin sa malalayong lugar at mahabang panahon ang kasikatan niya. Naghalo ang kababalaghan at realidad, at ang imaheng tumimo sa isip ng mga taong nananalig sa kanya ay isang nilalang na laging masaya at namimigay ng regalo.

Ipinanganak siya noong ikaapat na siglo sa isang mayamang pamilya sa Turkey at naging obispo. Ayon sa isang kwento, maaga siyang naulila at ginamit ang namanang kayamanan sa pagtulong sa nangangailangan. Namatay siya noong Disyembre 6, 343. Ipinagdiriwang ang Disyembre 6 bilang Saint Nicholas Day. Pero nung naging Santa Klaws na siya, Disyembre 25 na rin ang araw niya.

Hernan-weblog110x110Payat talaga si Saint Nick pero hindi tayp ng mga Kano, lalo na nung mga Protestanteng unang nanirahan sa Estados Unidos, na ganun ang santong nagpapasaya sa mga bata. Isa siyang lolo na laging nang-iispoil ng mga apo at malakas tumawa.

Noon pa man e nagrereklamo na ang Simbahang Katolika kay Santa dahil inilalayo umano niya ang atensyon sa tunay na may bertdey sa araw ng Pasko. Kaso nariyan na iyan, at tulad ng sugal at iba pang bisyo, pikit-matang hinahayaan na lamang ito ng Simbahan. Ang mahalaga e masaya ang mga bata – at matanda – sa araw ng Pasko.

At iyan, Birhinya, ang kwento ni Santa Klaws.

Share