Filipino eating habits change over time
Long time ago when living was not as fast-paced today, Filipinos ate mostly camote, rice, vegetable, nuts, fruits and everything that grew on plants. Land was so fertile that a single corn plant can bear as much as 64 fruits to the amazement of the Spanish friars who chronicled that it even surpassed that of Mexico corn that had only been bearing 10 fruits at the most.
Filipinos did not eat carabeef as carabaos roamed wildly in the mountains four hundred years ago; beef was only introduced with the introduction of vaca (cow) pairs from Southern America; and chickens were only domesticated for eggs.
With the advent of colonization and influence of the colonizers’ culture, the Filipino eating habits have been transformed slowly from vegetable to being meat-based. Communication technology and bombarded advertisements have been made the best tools for forcing Filipinos to drink imported milk and eat corned beef and sardines from the GI’s food supply. Now accustomed to drinking milk despite being lactose-intolerant, as mostly Asians do- and used to eating meat everyday as modeled by the status quo –eating habits have dramatically changed.
With fast-paced modern life in the 20th century came easy-to-cook meat-based products, a far cry from the fresh root crops, vegetables and fruits that Filipinos ate long time ago. Mention the words hamburgers, fried chicken and meat-loaded pizza and the kids will yell Jollibee, Mcdonald’s, or Shakey’s.
This changed eating habit has shortened the Filipino life span from living a healthy, heart-attack free old age of 90 to agonizingly painful and arthritic 60 years old if one does not die of heart attack at 50 or earlier. With many years of eating meat come accumulated toxins in the body that cause various diseases too many to mention.
Dr. Maan Canlas, a geriatrics doctor, says elderly people have poor metabolism and circulation because of poor eating habits and accumulated meat toxins in the body. She explains in the SAGE press launch that returning or turning to a vegetarian lifestyle will bring about healthy and happy disposition as body enzymes digest vegetable-based food easily and fibers in vegetables help in the bowel movement.
Olympics Taekwondo referee Ricardo Santiago, a vegetarian for 13 years testifies he has an active lifestyle, his body functions well and has not lost anything in becoming a vegetarian. Besides,“I look young,” he jokes.
His youngest sister Tuesday Santiago, also a vegetarian, confides becoming a vegetarian is “tough” with the young generation exposed to KFC, Macdonald’s and Jollibee nowadays. “But young people are waking up to the realities of the ‘vegetarian wave,’” she attests.
Nonie Fernando, SAGE representative who is a vegetarian for 38 years, says product availability is not a problem anymore because vegetarian items are now being sold in SM Makati and Megamall supermarkets. Besides, fresh vegetables are everywhere in the Philippines.
Returning to the Filipino original eating habits has now become a battle. While it has become a battle in business, it is a big battle of the self. Vegetarians in the Philippines, however, are a living testimony of winning in this battlefield collectively called life. (Gloria Esguerra Melencio)
Wika ko, dayalekto mo
YAYAMANG buwan ng wika ngayon at lahat ay nagpapahayag ng walang hanggang pagmamahal sa sariling wika, pagbigyan n’yo na ako kung muli kong uungkatin ang debate sa pagitan ng wika at dayalekto (language vs. dialect sa Ingles).
Kung nagtataka kayo kung ano ba itong debateng ito, hindi ko kayo masisisi dahil kokonti lang naman talaga ang nagbibigay ng pansin sa usaping ito sa sawimpalad nating bansa.
Kung lagi kayong nakababad sa Internet, mapapansin ninyong maraming mga “language police” para sa Ingles pero walang ganitong uri ng hayop na mahigpit magbantay para sa wikang Filipino. Kapag mali-mali ang Ingles mo, madali kang mapansin at maraming magtatama agad sa iyo. Pero kapag mali-mali ang gamit mo ng Filipino walang paki ang madlang pipol.
Hindi nakapagtatakang walang sinusunod na panuntunan ang mga babasahing Pinoy at walang pumapansin kung tama ba ang baybay o balarila na sinusunod ng mga nagsusulat sa Filipino (Tagalog sa marami nating kababayan). Hindi rin nakapagtataka kung gayon na halos walang nakikialam kung ang Cebuano, Hiligaynon, Pangasinense at iba pa ay wika o dayalekto.
Nauna ko nang sinulat sa pitak na ito na ang mga nabanggit ko sa itaas e mga wika at hindi dayalekto. Marami kasing nag-aakala na ang nag-iisang wika lamang sa Pinas e ang Filipino – na siya ring pambansang wika – at ang iba pa e puro dayalekto na lamang. E bakit pa ito tatawaging pambansang wika kung nag-iisa lamang ito?
Para sa akin, ang kaibahan ng wika sa dayalekto e para ring kaibahan ng relihiyon sa sekta. Nagkakaiba lamang sila sa dami. Kung maraming miyembro ang isang paniniwala, tinatawag itong relihiyon, samantalang kung kokonti e sekta lamang ito.
Ganun din ang wika. Kung marami ang nagkakaintindihan sa maraming lugar, wika ang ginagamit nila. Kung sumakay ka ng barko o bus at napalayo ka na at hindi na maintindihan ng kausap, dayalekto ang gamit mo.
Sa ibang halimbawa, ang wika e magulang at ang dayalekto e anak. Ang Tagalog, halimbawa, e isang wika at maraming nakakaintindi nito (kaya nga dito ibinase ang Filipino). Pero may mga lugar na may punto at may iba na ring katawagan sa ilang bagay, gaya ng Tagalog sa Quezon, Nueva Ecija, Batangas at Metro Manila. Ang mga ito e dayalekto o “anak” ng Tagalog. Ganun din, may mga Cebuano sa Cebu na iba na nang kaunti sa Cebuano sa Mindanao pero nagkakaintindihan pa rin sila, kaya nga ang Cebuano ay wika at ang pagkakaiba nito sa ilang mga lugar e dayalekto ng Cebuano.
Pero sabi ko nga, may debate tungkol dito. Meron kasing mga hindi mapakali sa depinisyon ng dalawa. Meron kasing mga lenggwaheng itinatakda ng pulitika at hindi ng natural na gamit ng mga tao. May mga makukulit na nagtatanong kung ang gay lingo ba e lenggwahe o dayalekto o pang-asar lamang.
Ewan ko, basta’t anu’t-anuman, ang wika e nakabatay pa rin sa dami ng mga gumagamit nito at kung paano ito gamitin. At kung gaano rin ito tumatagal.
Bakit ko ito pinag-uusapan? Wala lang. Gusto ko lang dahil buwan nga ng wika ngayon.
The Esguerras of Butuan
How I met Aunt Lilli and other relatives in Butuan (pronounced Butwan) was quite unexpected. I have been dreaming of meeting them, my long-lost relatives on my father’s side, many years ago when Lolo Javier of Pangasinan told me his brothers migrated to Butuan when he was just a young boy.
I have only gone to Pangasinan or to La Union, my grandfather’s and grandmother’s towns respectively, for work assignments. It was only Tita Norma and Tita Cherry Esguerra Licdan, my father’s cousins, who helped me trace my roots while I was drafting our family tree. Pangasinan, La Union and Butuan are just images of a distant past.
It was my first flight to Butuan City, a place I have only read in books as known for the discovery of the 1,600-year-old balanghai, an ancient boat made of sturdy, thick planks of wood connected to each other without nails. Archeological finds in Butuan had revealed it was the center of commerce in that part of Mindanao where traders dock to sell goods and Spanish conquistadores get their supply of drinking water and food. Archeologists had also found golden Buddhas and rare artifacts embedded in the muddy mouth of the river, evidences of its link to the glorious Sri Vijayan past.
Upon leaving my things in the hotel resort where I was billeted, I immediately put on my walking shoes and slung my husband’s camera to scour the city of its historical places. Knowing nobody, I sought the help of the Regional Tourism Department where I was given a guide map and brochures about the place. Inquisitive me asked the obliging staff who the head of the tourism department is whom I can interview for a possible story for my newspaper then where I worked as a reporter.
She answered warmly during that cold rainy afternoon: “Liwliwa Esguerra.” Hmmm, Esguerra. I quickly responded: “Can I interview her? She must be my relative if she is from Pangasinan.” Aunt Lilli must have heard and felt my excitement. She peeped from the conference room and finally invited me to sit inside her spacious office. I introduced myself. It was Lolo Javier’s name that linked her to me. I found my relative!
Lolo Javier’s brothers Milo and Melchor migrated to Butuan to look for greener pastures in the 1950s. Indeed they found their place under the sun in this part of Agusan as they become professionals through sheer determination and hard work. Lolo Melchor married Paz Buque who hailed from a family of educators in Nasipit. Lolo Milo became a school principal. Nana Minda became a nurse and currently lives in Quezon City busying herself as head of a review center for nurses. Some of the cousins migrated to Canada and Austria from Butuan.
Aunt Lilli invited me to a family reunion on the second day that I was in Butuan. Relatives came from as far as Vienna and Vancouver to grace the grand matriarch’s birthday celebration in a hotel where I was also billeted. Coincidence? Everything happens for a reason, as an Asian saying goes.
I wondered what Aunt Lilli’s name means in Ilocano. Liwliwa means joy, she explained. I wondered, too, why she remained single, she being the youngest in a big brood of the Esguerra clan in Butuan and radiantly beautiful in her pixie hair with a yellow rose pinned on her blue dress. Just the same, it was a joy meeting my newly found relatives in Mindanao. Thank you, Aunt Lilli.
Parangal at pangaral
KUNG ikaw ang masusunod syempre mas gugustuhin mong parangalan ka kesa pangaralan.
Umaasa ka ng parangal kung sa tingin mo e may nagawa kang kapuri-puri at kapaki-pakinabang sa kapwa. Kapag kumilos ka naman nang may pag-iimbot at walang katapatan, umaasa kang pangaral lang ang aabutin mo at hindi sana batok at batikos.
May isang grupo sa Amerika ngayon na umaani ng parangal at pangaral – depende sa estado ng pag-iisip ng pumupuri o bumabatikos. Isa lamang itong kulto ng mga Kristiyano – mga rightist Christians kung tawagin ng mga aktibista – sa isang lugar sa Florida na nananawagan ng pagsunog sa Qur’an o banal na libro ng Islam sa anibersaryo ng pag-atake sa Amerika ng mga panatikong Muslim noong Setyembre 11, 2001.
Magsusunog ng Qur’an ang kulto na kung tawagin e Dove World Outreach Center (para magpapansin) sa opisina nito sa araw na iyon bilang paggunita umano sa mga pag-atake sa Estados Unidos siyam na taon na ang nakararaan ng mga “demonyong” terorista.
Mabuti na lamang at hindi ito pinatulan ng Simbahang Katoliko na agad nanawagan sa kulto na huwag ituloy ang kahibangang ito. Sigurado nga namang magreresulta ito ng ganting atake ng mga Muslim laban sa mga Kristiyano. Nakita na natin iyan dito mismo sa Pinas na naggagantihan ang iilang mararahas at sira-ulong panatiko ng magkabilang relihiyon.
Lahat ng relihiyon ay nangangaral ng kabutihan at kaligtasan; malinis ang kanilang hangarin pero hindi nawawala sa kahit anumang organisasyon – kahit sa gobyerno at mga rebolusyonaryo – ang mga baliw, sintu-sinto at masasamang loob na handang gawin ang lahat maipilit lang ang paniniwala, sukdulang mamatay at pumatay sila.
Hindi naman orihinal na ideya itong bantang pagsusunog ng Qur’an. Nauna nang nagbanta ng ganito ang mga panatikong Kristiyano sa Copenhagen sa Denmark para naman labanan ang panawagang boykot ng mga bansang Muslim sa keso, gatas, sikulate at iba pang Danish products. Ang boykot e protesta naman ng mga Muslim sa isang caricature ni Muhammad na lumabas sa dyaryo doon. Ang cartoon e protesta naman ng kartonista sa isang protesta na protesta rin sa isa pang protesta. Walang katapusang protesta ito at gantihan, na kung uugatin mo ay lalampas pa sa panahon ng Krusada.
Milyong buhay ang nabubuwis sa ngalan ng relihiyon. Totoong ugat ito ng giyera, pero pwede rin itong makatulong sa pagkakaroon ng kapayapaan. Uso na ngayon ang tinatawag na interfaith dialogue at marami na ring relihiyoso ang natututong tanggapin ang di nila kayang tanggapin sa ngalan ng kapayapaan. Unti-unti nilang napagtatanto na corrupt ang organized religion at kailangan nito ng muling pagkabuhay.
May moske sa Vatican City na sentro ng paniniwalang Katoliko pero walang simbahang Kristiyano sa Saudi Arabia na sentro naman ng paniniwalang Islam. Hindi ang hari ng Saudi ang may kasalanan sa sulipat na kalagayang ito kundi ang organisadong relihiyon na takot sa pagbabago.
Bigas todo
KUNG paniniwalaan mo ang sinasabi ni Joselito Banayo na bagong hepe ng NFA, maiisip mong “ang laki” naman ng problema niya.
Akalain mong “naliligo” pala sila sa bigas ngayon? E bakit hindi man lang matalsikan ng ipinaliligo nila kaming mga hampaslupa na matagal nang nangangarap na makapagsaing at makakain ng murang bigas?
Sa huling basa ko ng sarbey ng Social Weather Stations, apat na milyong kabahayan ang nakararanas ng gutom sa bansa nating nililiyag. Kung may karaniwang anim katao sa isang kabahayan, aba’y 48 milyon na agad ito. Ano pa ang hinihintay ng NFA, Pasko?
Kung lumalangoy ang NFA o nagtatampisaw sa sobrang bigas, dapat e ipamigay na agad iyon sa mahihirap nang wala nang esep-esep bago pa man tuluyang mabulok ang istak gaya ng nangyayari umano sa ilang bodega nila na halos hindi na maisara dahil sa umaapaw na bigas. (Bweno, medyo exaggerated naman na hindi maisara ang mga bodega, pero mismong si Joselito ang nagsabing naliligo sila sa bigas. Sabagay mas masaya ‘yun kesa sa ginawa noon ni Manny Villar na lumangoy sa dagat ng basura.)
Ang kaso, marami pang kuskos-balungos itong NFA. Kesyo kelangan pang pag-aralan kung pabababain ang presyo o alamin kung sino ang may kasalanan sa pag-aaksayang ito at paglustay sa pera ng bayan.
Pwede nilang pag-aralan kung anuman ang gusto nilang pag-aralan – bumalik pa sila sa eskwelahan kung gusto nila – basta ipamigay na sa mga nangangailangan ang bigas. Wala na silang magagawa, tutal nariyan na rin lang ang sobrang suplay at nalugi na ang gobyerno sa sobra-sobrang inangkat na bigas, hayaan na lang pakinabangan ito ng mga tao. Tapos habulin nila ang mga simbergwensa at walang pakundangang nag-angkat ng bigas.
Resulta nga ba ito ng panic-buying ng gobyerno o ng pagkaganid ng nasa kapangyarihan? Maaalalang kailan lang e umangkat din sila ng sobra-sobrang asukal dahil nagkaroon ng artipisyal na pagmamahal nito sa palengke. Meron bang nakaalala nito? May nagreklamo sandali pero dahil makakalimutin tayo, nailibing na lang ang isyung ito sa limot. (Huwag sanang mangyari ito sa kaso ng Ampatuan massacre. Hindi ba’t kay Dayunyor na lang nakatuon ang pansin ng lahat at nakalimutan na ang pangako ng military na magpaliwanag tungkol sa mga armas at bala na may tatak ng DND na natagpuan sa pag-iingat ng mga Ampatuan?)
Hindi pa tapos ang kalbaryo umano ni Joselito; meron pang darating na isang milyong sako ng bigas galing Vietnam at sasabay iyon sa anihan dito sa Pinas. Ibig sabihin nito kukumpitensyahin ng imported na bigas ang lokal na bigas. E dahil mas mura ang imported na bigas, dehado ang lokal. Mapipilitang ibenta nang palugi ng mga magsasaka natin ang kanilang produkto.
Ang solusyon ng NFA, pakiusapan ang Vietnam na huwag munang i-deliver ang bigas. E sigurado namang sasabihin sa kanila ng Vietnam: “Ano kayo sinuswerte? May kontrata tayo at saka puno na rin ang mga bodega namin, wala kaming paglalagyan niyan.”
Raising two sons and a daughter while the father is away
Raising two sons and a daughter can be complicated and extremely hard but not actually as difficult with the help of my husband who dotes on the children, my parents who really love their grandchildren (perhaps more than their children) and my mother-in-law who has always been there for me in the absence of a babysitter or house help.
True, there were tough times when I almost surrendered to impatience and wish I could resign as a mother but realizes that motherhood is a permanent position with a job description that calls for the flexing of the muscles, extending of patience till it reaches the heavens, wit that is always challenged and intelligence far more than Einstein’s.
While the two older boys – almost four years apart – were toddlers, they both told me: “Nanay pakakasalan kita paglaki ko (Mother, I will marry you when I grow up).” Same thing with our daughter who also told me when she was about two years old: “Ikaw ang gusto kong asawa paglaki ko (I want you to be my wife when I grow up),” to which I replied: “Hindi puwede. Nanay mo ako (You cannot. I am your Mother.)” My daughter retorted: “Sige, si Tatay na lang. (Then I will marry Father).” To which I answered: “Hindi puwede. Tatay mo siya (You cannot. He is your Father.)”
Unrelenting to be unmarried, my toddler daughter quipped: “E, di si Kuya na lang (I will marry my big brother then).” I was almost laughing when I told her: “Hindi puwede, kapatid mo siya (You cannot marry your brother).” Finally exasperated, this daughter realized: “E, di hindi rin puwede si Diko?” (Then I cannot marry my other brother?).” Yes, I said, explaining to her that she cannot marry anyone in the family.
“Hindi na lang ako mag-aasawa (Then I will no longer get married),” she finally resigned.
The boys’ and her concept of the family at tender age revolved around us five – father, mother and siblings – who eat, play, work and live under one roof. Nothing more, nothing less. So much so that when my husband went abroad to work, the five of us were all devastated. Separation is the most painful feeling for a child (and adults too).
We all dread the day when my husband was scheduled to fly back to Jeddah, Saudi Arabia to work as an editor in an English newspaper there. He has been leaving the Philippines yearly for 13 years but we never became used to it. Once we lost sight of him when he boards the tricycle (my husband is so used to simple living that even when he is already earning dollars he prefers to take public transport), the two boys would go to their room hurriedly. The eldest son would lie on his bed facing the wall; the second son would bury his face in the pillow, sobbing. The daughter waits for an airplane to pass by and waves goodbye thinking that her father is always in every airplane.
As for me, I tell myself that nothing and nobody can break our family. The husband writes almost every day and play puzzles and whatever games that can be had on paper with the two boys. The toddler daughter writes back to his father in scribbles telling him how she misses him and asks him when he is coming home again.
Sama-samang Pagkilos
Ito ang tawag noong simula ng batas militar sa mga kilos-protesta laban sa diktadura at sa mga pagkilos para sa pagbabago sa panahon ng martial law saan man ginagawa ang mga ito – sa mga paaralan, sa mga pabrika, sa mga komunidad, sa mga tanggapan ng gobyerno gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE) o sa mga lansangan ng Metro Manila.
Anuman ang gawaing magsusulong sa kilusang antidiktadura at sa kilusang pambansa-demokratiko noon, mapasentro man ng lungsod o maging sa mga liblib na lugar sa kanayunan, sama-samang pagkilos ng taumbayan ang itinaguyod ng mga aktibista mula sa mga simpleng pagpupulong hanggang sa mga petisyon o pagpirma sa mga kahilingan at delegasyon o maramihang pagtungo sa mga opisina ng gobyerno; mula sa mga paglilinis ng mga kalye hanggang sa misa-prusisyon sa mga komunidad at mga rali- demonstrasyon at mga martsa at lakbayan sa mga punong-lungsod at bayan.
Ayon ito sa ilang pundamental na paniniwala. Di kakayanin ng iilan ang pagpapabagsak sa diktadura at ang paglutas sa mga suliranin ng bayan kaya kailangang palayain at umasa sa nagkakaisang lakas at mapanlikhang kakayahan ng masa sa pagharap sa marahas at, sa unang malas, ay nakakatakot na halimaw na batas militar at kailangan ding pandayin at sumandig sa matibay na pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan na naghahangad ng pagbabago.
Kung tutuusin, may malalim na salalayang pangkultura naman ang mga paniniwalang ito. Matatagpuan ito sa pagbabayanihan ng mga Pinoy. Hindi banyaga sa mga Pinoy ang pagtututulungán at pagdadadamayán sa pagharap sa anumang hamon, sa anumang suliranin, sa anumang gawain. Unti-unti ngang pinalaya ang lakas at kakayahang ito at pinaunlad ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba’t ibang anyo ng sama-samang pagkilos sa konteksto ng batas militar mula 1972 hanggang sa umabot ito sa rurok noong EDSA 1 ng 1986.
Di naman nawala o nalimot ang aral na ito makaraan ang EDSA 1. Kung tutuusin, isa sa mga naging buzzword pagkatapos ng EDSA 1 na hinango sa aral na ito ang nilalaman ng salitang Inggles na “empowerment.” Iyon nga lamang, di gaya nang panahon ng paglaban sa diktadura, di naisalin sa realidad ang salitang “empowerment”.
Sa halip na palayain ang mapanlikhang lakas at kakayahan ng masa at ipagpatuloy, palalimin, palawakin at paunlarin ang sama-samang pagkilos ng taumbayan, di ito minabuti ng mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunang Pilipino noon lalo’t ginagamit ito laban sa patuloy nilang pamamayagpag. Kaya kahit wala nang batas militar, patuloy pa ring tinugis, ikinulong at pinatay ang mga nagtaguyod nito laluna iyong mga nasa probinsya at kanayunan.
Ngayong may iniupong bagong administrasyon, puno ng pag-asa ang mga naghahangad ng pagbabago. Gayunman, sila man ay naniniwalang di kakayanin ng isa o ng ilang tao na isakatuparan ang mga kinakailangang pagbabago. Kung di man lubos na napalaya ang mapanlikhang lakas at kakayahan ng masa at di napaunlad ang sama-sama nilang pagkilos pagkatapos ng EDSA 1, ngayon marahil ang panahong maaaring isakatuparan ito para lubos na mapasakamay nila ang kinabukasan at kapalaran ng bayan na sila rin naman ang bumubuo.
Pagpapaunlad man ito sa ekonomiya o kabuhayan ng bansa, pagharap man ito sa mga kalamidad gaya ng pagbaha at iba pang suliraning pangkapaligiran, pagtugon man ito sa problema ng edukasyon o ng kalusugan, di kukulangin ang bayan ng mangunguna sa kanila sa bawat larangan. Sa bawat panahon at pagkakataon, sa hanay din ng taumbayan lumitaw at pumapaibabaw ang mga nanguna sa kanila.
Ngayon pa man, pinapasigla na ng kanilang pangunguna ang iba’t ibang larangan na nangangailangan ng pagtugon at ng pagbabago. Kung ito man ay maisakatuparan ngayon, mapapairal din sa realidad ang isa pang buzzword makaraan ang EDSA 1. Nasa wikang Inggles din ito – ang idea ng “democratic space”. Ibig sabihin, di lamang iilan ang magtatamasa, makakalahok o o makikinabang sa demokrasya kundi ang mga mamamayan mismo. Lalalim pa ang pagkaunawa sa demokrasya: na ito ay di simpleng pagboto lamang sa panahon ng eleksyon lundi tuwirang paglahok at pagkilos ng taumbayan sa mga usaping mahalaga sa buong bayan.
Tuwing magpapalit ng liderato ng pamahalaan, isa ring naging buzzword ang salitang “reconciliation” lalo na ngayong mayroong Aquino, Macapagal-Arroyo, Estrada at Marcos sa gobyerno.
Kahit na humaba ito nang kaunti at naging “no reconciliation without justice,” di naman problema sa mga naging lider ng bansa ang pagbabati. Makaraan ang Rebolusyong 1896, ang Digmaang Pilipino-Amerikano, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Batas Militar, lagi namang nagbabati ang mga naging lider ng bansa o ang lideratong elite na nahati sa bawat panahong nabanggit. Ang hindi nila binabati ay iyong mga patuloy na nakipaglaban para sa interes ng bayan na patuloy na tinugis, ikinulong at pinatay nang sila na ang nasa poder.
Sakali mang palayain ang mapanlikhang kakayahan ng taumbayan at pasiglahin ang kanilang sama-samang pagkilos sa pagharap sa mga suliranin ng bansa, baka dito pa magkaroon din ng katuparan ang salitang “reconciliation” lalo’t ang taumbayan naman talaga ang initsapuwera ng lideratong elite di lamang sa pagtatamasa ng tunay na demokrasya kundi ng pakinabang din sa anumang kaunlarang pangkabuhayan na nakamit ng bansa.
Mabuti na lamang at pasensyoso ang taumbayan. Pero sa paglipas ng panahon, di naman humahaba ang pisi nila. Ang totoo, natatakot sa mapanlikha nilang lakas at kakayahan gayundin sa kanilang sama-samang pagkilos ang mga naghahari-harian sa lipunang Pilipino. Kaya nga patuloy silang tinutugis, sinusupil, pinapatay. Ngunit handa na bang makipagbati ang lideratong elite ng mga naghahari-harian sa bansa na makipagbati sa taumbayan? Kung handa at kaya na at ito ay isasakatuparan, masusumpungan na rin marahil ang katuparan ang minimithing kapayapaan at kaunlaran para sa bansa at bayan.
Pag-igib at pag-ibig
Tuwing nagkakaroon ng krisis sa tubig – gaya ngayon – naaalala ko ang kabataan ko sa Navotas na laging lubog sa tubig pero hirap naman sa tubig.
Kapag high tide, lubog ang gitnang bahagi ng kalsada sa lugar namin, at para namang binibiro kami ng tadhana nagkataong sa harap lang iyon ng tinitirahan namin. Napakaraming tubig pero wala kang mainom, ika nga nitong si pareng Coleridge sa tula niyang “Rime of the Ancient Mariner.”
Ewan ko kung marami nang may sariling koneksyon ng tubig doon pero noong panahon ko e kokonti lang ang “panginoong may tubig” sa Navotas at naghahari-harian sila lalo na sa panahong taghirap sa tubig.
Sabagay, balita pa rin ngayon na nagkakainitan sa mga pilahan ng tubig sa Metro Manila. Ibig sabihin, luho pa rin para sa maraming Pinoy ang magkaroon ng tubig na dumadaloy sa sarili nilang gripo.
Dahil ako ang madalas maiwan sa bahay noon, ako ang taga-igib sa pamilya. Katunayan, ito ang sinisisi ko kung bakit ang tatangkad ng mga kapatid ko samantalang ako’y hindi; kahit pa madalas kong lagyan ng margarinang “pampatangkad” ang kanin ko.
Buti na lang at bespren ko ang isang anak ng panginoong maytubig sa amin kaya hindi masyadong malungkot ang pag-iigib. Kung minsan, tinutulungan pa niya akong magtulak ng kariton ng tubig hanggang sa bahay namin habang nagkukwentuhan. Labindalawang containers – tambor kung tawagin – ang laman ng isang kariton at kinakailangang buhatin ito mula sa pinto ng bahay hanggang sa kusina na kinalalagyan ng bakal na dram.
Meron ding poso na libre ang tubig pero superhaba ang pila. Parang sa pelikula na meron ding nag-aaway at nagliligawan sa pila. Sa mga hindi masyadong pamilyar, doon galing ang salitang “pila-balde” na ginagamit na rin ngayon sa ilang bagay lalo na sa di kanais-nais na… k’wan… yung may isang babae at maraming lalaki.
Kung akala n’yo ay sa probinsya lang nangyayari ang pinag-iigib ang babaeng nililigawan, nangyayari rin ito sa syudad lalo na kapag namamayagpag si El Ninyo. Hindi ko naman naranasan iyon pero isang kabarkada ko ang gumawa noon. Kung hindi nga lang LPG ang kalan ng nililiyag niyang chikas e baka pinagsibak din niya ito ng kahoy.
Ang konswelo de bobo na lang sa kahindik-hindik na kwentong ito ng kakulangan sa tubig para sa mga Pinoy, e mas mahirap ang tubig sa ibang parte ng mundo, lalo na sa Africa at sa disyerto ng Saudi Arabia.
Mas mahal ang tubig kesa sa gasolina sa Saudi at naranasan ko na ring mag-igib doon dahil madalas mawalan ng tubig ang tinitirahan naming apartment. Sa tindi ng kakulangan ng tubig doon, madalas magpatawag ang hari ng maramihang pagdarasal para sa ulan.
At hirap ang mga Pinoy na maghanap ng matitirahan doon dahil ayaw ng mga may-ari ng apartment ng “magastos sa tubig.” Araw-araw nga naman kung maligo ang mga Pinoy kaya madaling matuyo ang imbakan nila.
Hunyango
HINDI na nakagugulat ang dagsa-dagsang paglilipat-bakod ng mga pulitiko sa Partido Liberal. Sa isang kisapmata naging mayorya ang partidong ito sa Kongreso dahil ito ang partido ng nanalong pangulo ng Pilipinas.
Ganito ang kalakaran sa sawimpalad nating bansa dahil wala naman kasing tunay na prinsipyo ang nangungunang mga partidong pulitikal. Pwede silang magpapalit-palit ng kulay gaya ng hunyango o chameleon depende sa kapaligiran o kung saan sila makikinabang.
Kaya ’yung dating mga tuta at tagapagtanggol ng dating presidente e biglang lumipat at kumakahol ngayon depende sa kumpas ng bagong amo. Kaya ’yung mga pulitikong walang kahihiyang nagsayaw ng Cha-cha para kay Aling Gloring e walang kahihiyan ngayong nangangakong sosoplahin ang panukalang Cha-cha ng dating pangulo na ngayo’y kasama na nilang nakatira sa Bahay ng mga Kinatawan.
Nakakapanindig-balahibo ang kakapalan ng mukha ng mga pulitikong palipat-lipat at papalit-palit kahit walang malinaw na dahilan kundi sariling kaligtasan o ganansya. Alam kasi nilang hindi mapuputol ang dating ng kanilang pork barrel kung kakampi nila ang namimigay nito. Alam na nila kung sino sila.
Ang kabilang dulo ng mga partidong “mainstream” e ang ilang makakaliwang partido na may tendensyang maging “sectarian” naman o panatikong sarado. Isang halimbawa ang ginagawang pag-atake ng isang grupong makakaliwa sa dating kakamping sina Etta Rosales at Risa Hontiveros dahil lamang kakaiba ang bersyon nila ng pagiging “kaliwa.”
Nanghihinayang ako at hindi nakapasok sa Senado sina Hontiveros, Ka Satur Ocampo at Lisa Maza dahil nagkaroon sana ng kinatawan ang kaliwa kung nakapasok sila. Sigurado namang hindi magbabago ang sistema ng pamahalaan kung naroon sila pero nagkaroon sana ng boses ang masa kahit mahina.
Nakalulungkot ding makita na hindi na nga solido ang kaliwa, personal pa kung magbanatan sila sa publiko. Sino ang maniniwala, halimbawa, na kakampi ng human rights violators si Etta Rosales at hindi siya bagay ilagay sa Commission on Human Rights? Sino ba ang tingin nilang bagay sa CHR? Hindi ba dapat silang matuwa na ang “burgis” na pamahalaang ito e handang humirang ng mga taong galing sa kaliwa at sa gayon ay mapalawak ang larangan para sa tinatawag nilang rebolusyon?
Ito rin ang linya nila nang akusahan si Hontiveros ng pakikipagkaisa sa mga berdugo ng bayan at mga panginoong maylupa noong panahon ng kampanya; ginagawa nila iyon habang ipinagtatanggol nila ang isa ring panginoong maylupa at inaakusahan ng corruption na si Manny Villar.
Hindi ba sila pwedeng maging masaya para sa mga hindi nga nila kakampi pero nagmamalasakit din sa bayan at pinapayagan ng administrasyon na magsilbi?
Ang totoo nga niyan baka hindi rin magtagal sa pwesto ang mga kagaya ni Etta tulad ng nangyari sa mga Leftists na itinalaga ni Tita Cory sa gabinete niya noong katatayo pa lamang ng kanyang “revolutionary” government.
Sa ngalan ng ama
ARAW nila noong Linggo. Sila ang mga tinatawag na “haligi ng tahanan” na madalas pumundi sa “ilaw ng tahanan.”
Opo, mga ginang at ginoo, sila ang mga tatay na lahat tayo’y mayroon, kilala man natin o hindi, patay man o buhay, mabait man o salbahe.
Ang tatay ko mismo e hindi ko masyadong kilala dahil bihira siyang umuwi bilang seaman. Pero kahit ganoon, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil nabuhay ako sa mundong ito. Ang natatandaan ko sa kanya e tahimik lamang siya at bihirang magsalita. Kapag umuuwi para magbakasyon e madalas rin siyang nasa labas ng bahay kasama ng mga kaibigan. Sa kabila noon, malakas pa rin ang impluwensiya niya sa akin. Hindi siya nakatuntong ng hayskul pero nag-enrol siya sa isang correspondence school noong may-asawa na siya at nagtatrabaho, at nagtapos bilang inhinyero. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, sa halimbawa niya natutunan kong walang imposible sa planetang ito na ating ginagalawan.
Namatay siya noong Pebrero 2001 sa kanser sa baga. Maging ito’y isa ring halimbawa sa aming magkakapatid. Agad tumigil ang tatlo kong kapatid sa paninigarilyo dahil sa takot na mangyari sa kanila ang sinapit ng tatay namin. Ako naman at ang isa ko pang kapatid e hindi nakaranas magbisyo ng yosi.
Ako mismo e tatay na rin naman at mahal ako ng mga anak ko; alam ko dahil binati rin nila ako kahapon ng “Happy Fathers’ Day.”
Medyo nakakaasiwa lamang itong Fathers’ Day na minana natin sa mga Amerikano. Pista opisyal ito sa Estados Unidos na unang ipinagdiwang doon eksaktong 100 taon na simula kahapon. Medyo nauna lamang maging pista opisyal ang Mothers’ Day doon dahil mas kawawa naman talaga ang mga babae noong unang panahon; nakatali sila sa mga gawaing bahay at nagtatrabaho nang walang sweldo.
Pero sa kasalukuyang panahon, hindi na masyadong nagkakalayo ang papel ng mga tatay at nanay. Marami na rin kasing babae ang nagtatrabaho sa labas – lalo na nang mauso ang pagpapakabayani sa ibayong dagat – at nagiging papel na rin ng maraming tatay ngayon ang maglaba, mamalantsa, maghugas ng pinggan at mag-alaga ng bata. Mga gawaing pambahay na hindi na lamang eksklusibong teritoryo ng mga bebang ngayon. Ang pagiging “housekeeper” e “okupasyon” na rin ng mga macho gwapito.
Nagrereklamo tayo sa “komersyalisasyon” ng mga nakaugaliang pagdiriwang, gaya ng Pasko at Bagong Taon. Pero kumbaga sa adik, kailangan natin ng “high” para maglibang at magkaroon ng dahilan para gumasta at magsaya. Kaya nga naging popular din ang mga okasyong hindi pista opisyal sa atin, gaya ng Valentine’s Day, Halloween at ito ngang Mothers’ Day at Fathers’ Day.
May katwiran ang ilan nating kababayan na pagdudahan ang mga kapitalista sa bansang ito sa pagdiriwang ng paparami at paparami pang mga okasyon para samantalahin ang pagiging emo o maramdamin ng mga Pinoy para sila pagkakitaan.
Hindi naman ako nagrereklamo. Basta ‘wag lang akong gumastos nang malaki e OK lang ’yan sa akin.
