Being Sixty and Sassy

March 8, 2011 by  
Filed under blogs

By Girlie Villariba

girlievillaribaToday think of the 100th year of women’s liberation and share a story. Why ? More than a billion women are not quite liberated but can enjoy some freedom. With an audacious attitude similar to that of the heroines of the turn of the century, women can plan revolutions, in small and big ways.

Yesterday, Ed and I went to have dinner with a dreamer-storyteller. She has been planning for 20 years to access a fund that will make poverty history, at least that is my take on her stories and the reason I listen.

After listening to her story and finishing a delicious japanese dish of tofu and salmon, I went on to a thread of planning my own story. I wish to start regreening and “revegitating “mountains. There is Mt. Boso Boso in Antipolo yearning for trees to save the watershed serving metropolitan Manila. There is Mt. Pinatubo which the Aeta communities are revitalizing to save Central Luzon from further impoverishment.

I asked Ed “If we have a 100 million pesos this year, can we reforest and plant rice on 15,000 hectares?” “Ed replied ” If the communities are organized and empowered.”

I immediately tapped my cortices/heart and imagined sixty people’s organizations going up the two mountains and planting rice, root crops, vegetables and fruit trees. I also started (in my head and heart )seeing a thousand women writing emails, blogging and sending sms to many volunteers all over Luzon to help organize schedules of teaming up with the Aetas and Dumagats. Suddenly the tools and directories in WordPress, Facebook, Yahoo, Gmail and the websites these women create will compete for attention. Maybe, just maybe we will reach a million more women and men every month and the buzz for regreening will be like waves of human hands tilling the soil, planting,watering mountains. Is this all possible?

Today, I believe so. Wombs create life. With all the life inside us women, let’s do it. Mabuhay tayong lahat!

Share

Salamat po, Pilipina ako

March 5, 2011 by  
Filed under article, features

baguio trip MauiMaiseNi Gloria Esguerra Melencio

Ipinaghele ako sa duyan ng dalawang babaing walang pangalan– isang Bisaya, ang aking ina; at isang Ilokana, ang aking lola. Dala ni Nanay ang kulturang masayahin at mapagmahal ng mga Bisaya; dala ni Mamang ang kulturang masipag at matapang ng mga Ilokano. Nakatutuwa. Dala ko sa puso at pagkatao ko ang kanilang magkaiba ngunit magkaugnay na mga kultura.

Pinatutulog ako ni Nanay sa kanyang awiting “may tanaman nga marampag” (may halamang malago) o sa kuwento ng Bundok Mandiwing na sa panaginip ko lang matatagpuan (may tunay palang Bundok Amandiwing, pinakamataas na bundok sa Leyte na matatagpuan sa bayan ng Dagami). Pinaliliguan ako ni Mamang at nilalagyan ng sabila ang aking buhok. Nakikipaglaro siya sa akin ng sungka. Siya rin ang nagturo sa aking magbasa at magsulat.

Sila ang mga babaing mula sa hilaga at timog na humubog sa aking pagkaPilipina sa kasalukuyang panahon.

Katolika-sarado (nakakandado pa) si Nanay. Isa siyang mamaratbat (pinuno sa pagdarasal) sa sinilangan niyang bayan sa Palo. Karaniwang sinusundo siya upang mamuno sa pagdarasal sa namatay na kamag-anak o kababayang nakatira sa malalayong liblib na pook. Namumuno siya sa pangangadi (pagdarasal) sa wikang Waray. Kabisado niya ang mahabang litanya ng dasal na maindayog-pasiday (patula) niyang binibigkas na sinasagot naman ng mga taong (parasabat) dumadalo at nakikiramay sa namatayan.

May iba’t ibang uri ng dasal na pinamumunuan si Nanay. Tinatawag ito ng mga mamaratbat na Santo Rosario (Holy Rosary), panghinutas (pahimakas), dasal sa patay (tresayo), at ika-cuarenta nga dias (ika-40 araw ng kamatayan).

Ayon sa Diccionario Bisaya-Espanol Para Las Provincias de Samar y Leyte ni Padre Antonio Sanchez noong 1895, nangangahulugang “de patay” ang salitang “mamaratyon,” bagay na nag-uugnay sa pamamaratbat sa pagpapahimakas sa patay. Binigyang-kahulugan din sa diksyunaryo ang “pamaratbat” bilang “ paulit-ulit na pagsagot sa dasal” (akin ang salin).

Matatandang babae ang karamihan sa mga mamaratbat o pamaratbat na nagsasalin nito sa bawat henerasyon ng kanyang panahon. May mga lalaki ring mamaratbat ngunit mabibilang lamang ito sa daliri. Wala pa akong nakikitang lalaking mamaratbat sa aking pakikipanayam sa Samar at Leyte sa loob ng isang taon.

Tinanong ko si Nanay minsan kung bakit siya namumuno sa dasal. Ganito ang tugon niya sa akin: “Para kunta mabuligan ko pagtabok an kalag han tawon.” ( Upang matulungan kong tumawid ang kawawang kaluluwa [mula marahil sa mundo ng mga buhay patungo sa mundo ng mga patay] – akin ang dagdag.)

Naging aktibidad ng buong komunidad ang ritwal ng pagdarasal kung saan nagkikita-kita ang magkakamag-anak, magkakaibigan at magkakapitbahay upang damayan at pagaangin ang pagdadalamhati ng mga nabubuhay. Kaya marahil may salitang dalamhati sa Tagalog: dalawang hati sa anumang mabigat na pakiramdam na dalahin ng nagluluksa ang isang hati; at aakuing dalahin naman ng nakikiramay ang isa pang hati.

Naghahanda ng pagkain ang nagpapadasal sa mga mamaratbat at sabay-sabay na nagkakainan pagkatapos ang mga dumalo sa padasal. Gumagaan ang pakiramdam ng namatayan. Ipinagbabawal ng mga Waray ang pag-awit at pagsayaw habang nasa burol ng patay. Ginagawa lamang ang pag-awit at pagsayaw sa mga piyesta, kaarawan at anumang piging na walang patay.

Mananalaysay ng kasaysayan si Nanay. Kilala niya ang mga ninuno ng mga namatayan. May listahan siya ng mga pangalan ng mga namatay na kamag-anak na iniisa-isa niyang tinatawag sa litanya ng pamatbat. Nakagugulat malamang nababanggit ang pangalan ng matandang Bancao, pinuno ng pag-aalsa ng mga Bisaya laban sa mga conquistadores noong ika-17 dantaon sa dasal ni Nanay at iba pang mamaratbat na narinig kong nagdasal sa iba’t ibang bayan ng Samar at Leyte.

May malakas namang impluwensya ang Simbahang Aglipayan sa pagiging Katoliko ni Mamang. Mga Carbonel-Novicio-Lagasca ang angkang pinagmulan ni Mamang sa La Union at Pangasinan. May mga malalapit kaming kamag-anak na paring Aglipayan, lalaki at babae, na may mataas na kamalayang pampulitika. Bagaman at matagal nang nangyari ang Pag-aalsang Novicio (1884) sa Pangasinan kung saan nilabanan ang mga opisyal sa pamahalaan dahil sa mataas na buwis at iba pa, marahil dito nagmumula ang pagiging mapanlaban ni Mamang sa mga umiral na sistema sa kanyang lipunang ginalawan.

Istrikta at mahigpit si Mamang sa kanyang mga panuntunan sa buhay bagay na kinamumuhian ko, ngunit siyang napapakinabangan ko sa pagharap sa mga pansarili kong suliranin. Palagay ko, nababalanse ng pagiging mapagmahal at malambot na katangian ni Nanay ang pagiging mapanlaban at matigas na katangian ni Mamang sa aking kalooban at pagkatao. Ang pinagsamang mga katangian nilang dalawa marahil ang dahilan kung bakit nakukuha kong pumanatag at kumilos nang mabilis sa panahon ng krisis.

Iginapang ni Mamang ang aking pag-aaral sa panahong nagkasakit at sumuko na sa hirap ang aking ama. Ugali ng mga Ilokanong unahin munang papag-aralin ang mga anak na lalaki, sumunod na lamang ang mga babae kung may matitira pang pampaaral. O kaya naman, ipataan sa ama at mga anak na lalaki ang mga hita at dibdib ng manok, gayundin ang bahaging malaman sa isda. Samantalang pakpak at paa ng manok o ulo at buntot na bahagi ng isda ang sa ina at mga anak na babae. Kadalasang gulay at sabaw na lamang ang masayang pinaghahati-hatian ng mga babae. (Isa ito marahil sa mga dahilan kung bakit higit na mahaba ang buhay ng babae kaysa sa lalaki sa Pilipinas).

Ngunit sinuong lahat ito ni Mamang at binali ang di-nakasulat na makalalaking tradisyong Ilokano. Pinag-aral niya ako sa Maynila sa paniniwalang may kinabukasan ako sa lungsod kaysa sa probinsya. Hinihintay niya ako sa aming balkonahe pag-uwi ko sa gabi habang nakabantay sa itinira niyang dinengdeng, inihaw na isda at mainit na kanin sa mesa. Matama siyang nagbabantay dahil baka maunahan ako ng mga kapatid kong lalaki o ng lalaking pusa sa aking dapat na hapunan.

Wala sina Mamang at Nanay sa nakasulat na kasaysayan tulad ng nakararaming babaing Pilipina. Mabuti-buti na nga lang na nababanggit ang mga babaeng nasa mataas at gitnang saray ng lipunang Ilokano tulad nina Gabriela Silang at Leona Florentino. Iyon nga lamang, laging nakadikit sa pangalan nila ang higit na sikat nilang asawa o anak. Ganito ang paglalarawan palagi sa kanila: Gabriela Silang, biyuda ni Diego Silang; Leona Florentino, makata at ina ni Isabelo delos Reyes.

Kasama sina Mamang at Nanay sa kulang sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas. Sila ang nagpapainog sa lipunang Pilipino sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga anak, paglilinis ng bahay, paglalaba ng damit ng pamilya, pagluluto at marami pang gawaing-bahay. Sina Mamang at Nanay ang nagpapagaan at nagbibigay ng kahulugan sa buhay ng bayan.

Ibinabahagi ko ang salaysay na ito sa iba pang Pilipinang may katulad ko ring kasaysayan.

(Pahabol: Lagi kong inilalagay ang apelyido ng aking asawa sa dulo ng aking pangalan. Hinahayaan niya akong magsulat ng mga katulad nitong pangkasaysayang lathalain kahit na nakatambak ang hugasan sa lababo o hindi malinisan ang aming tahanan. Tumutulong rin naman siya sa mga gawaing-bahay. Pinanatili ko rin ang ibinigay na apelyido ng aking ama sa gitna ng aking pangalan dahil permanente niyang ibinigay ito sa akin sa bisa ng batas. Sina Mamang at Nanay ang nagbigay ng aking unang pangalan; si Mamang ang nagmungkahi, pumayag naman si Nanay. Ito ang nagpapaalala sa akin ng kaugaliang pagpapangalan  ng mga ina sa kanilang mga anak noong hindi pa dumarayo ang mga mananakop sa Pilipinas.)

Share

Kalahati ng langit

March 9, 2010 by  
Filed under blogs

Hernan-weblogEKSAKTONG sandaang taon na ang nakalilipas nang mahigit 100 kababaihan sa 17 bansa ang nag-eyeball sa Copenhagen, Denmark at ipinasiyang ipagdiwang ang International Day of Women tuwing Marso 8.

Simula noon, marami nang mga pag-asenso sa buhay ang naranasan ng mga taong umaangkin umano sa kalahati ng langit. Natural, mga lalaki ang umaangkin sa kalahati pa. (Saka na natin pag-usapan ang mga bakla, tomboy at silahis. May araw din sila.)

Utang ng kababaihan sa mga komunista at sosyalista ang mga karapatang tinatamasa nila ngayon. Ang mga ito ang nanguna sa kilusan ng kababaihan at ang pangunahing ipinaglaban nila noon e ang karapatan sa pagboto at patas na kalagayang pulitikal at ekonomiya. Mga babaeng kasapi ng unyon sa Estados Unidos ang nagsimulang magdiwang ng Women’s Day noong Marso 8, 1908 at noong 1909 libu-libong babaeng manggagawa ng underwear ang nagwelga at nakarating ang balita sa maraming parte ng mundo. Naging inspirasyon ito sa kababaihang sosyalista na maglaan rin ng pandaigdigang araw ng kababaihan noong 1910.

Nang lumaon lumawak at dumami pa sila at nadagdagan pa ang mga reklamo ng mga kalahi ni Lilith; ang iba e nagsunog pa nga ng bra dahil simbolo raw iyon ng pang-aapi sa mga babae at pagtingin sa kanila bilang “sex object.” Wala namang nagreklamo sa pagsusunog ng bra kundi yung mga kumpanyang gumagawa nito. Inakala ng marami na iyon na ang katapusan ng bra pero hindi pwedeng mangyari ’yun dahil mawawalan ng trabaho ang mga gumagawa noon, at meron talagang mga taong kelangang magsuot ng bra. Saka mas maraming makabuluhang isyu ang mga babae noon kesa sa pagsusuot ng bra.

Ang ipinagtataka lang ng ilan e kung bakit nananatili pa ang mga grupong kababaihan samantalang “nakuha” na nila ang gusto nila. Hindi lang sila nakaboboto, nakauupo pa sila sa pwesto – at nakapangungurakot din na kagaya ng mga lalaking nauupo rin sa pwesto. Sabi nga ng ilang babaeng kakilala ko, bakit sila mananawagan ng pagkakapantay-pantay tapos e magbubuo sila ng “hiwalay” na organisasyon ng kababaihan, anong klaseng sistema ’yan?

Bukod pa, ang mga bagong isyu ngayon ng kababaihan, gaya ng reproductive health, kahirapan sa pamumuhay at diskriminasyon sa trabaho e pwede nang dalhin ng kahit anong organisasyong unisex. Katunayan, nangyayari na nga iyan ngayon. Nakikialam na ang mga lalaking mambabatas sa mga isyung gustong talakayin ng kababaihan.

Pero syempre sasabihin ng mga grupong kababaihan na hindi pa tapos ang laban nila. Kailangan pa rin sila para manguna sa mga usaping “pambabae” kahit nariyan ang kalalakihang kumakampi rin sa kanila. Para sa kanila, kulang pa ang batas para pawiin ang diskriminasyon.

May punto naman sila. Kapag wala na ngang silbi ang isang bagay ay kusa naman itong naglalaho pagdating ng panahon.

Share

Copy Protected by Chetans WP-Copyprotect.