UP History prof, pumanaw na

June 6, 2011 by  
Filed under News

dante-photoPumanaw na ang propesor sa Kasaysayan na si Dante L. Ambrosio ng Unibersidad ng Pilipinas noong Hunyo 4. Namatay siya sa Philippine Heart Center matapos ang mahigit sa isang buwang pagkakaospital sanhi ng sakit sa puso.

Itinaguyod ni Propesor Ambrosio ang Kasaysayang Bayan bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga karaniwang mamamayan sa lipunang Pilipino.

Naiwan niya ang kanyang mga kapatid na sina Rollie, Anita at Jun; hipag na si Fenny at mga pamangkin na sina Jason at Adrian.

Share

Comments

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!





Copy Protected by Chetans WP-Copyprotect.